SBBD- Prolugue

866 Words
Blurb: ----- "Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo, handa mo akong ipaglaban. Sabi mo pakakasalan mo ako. Pero bakit? Bakit?" Tulong tanong ko kay Russell. Naninikip ng sobra ang dibdib ko na halos hindi ko makahinga. Parang bomba na sumabog sa harapan ko ang sinabi nya sa kaarawan ng Lola nya. "At naniwala ka naman sa sinabi ko." Napaurong ako sa narinig. Tila tumigil sa pag- function ang isip ko dahil nahihirapan itong e- prosesso ang salitang nanulas sa kanya. Nag- iba narin ang titig nya sa akin. Puno na ito ng kalamigan. Wala na yong dating ningning ng kanyang mata habang nakatingin sya sa akin. At hindi ko na nakita ang inakala kong pagmamahal dito. Hindi ko napaghandaan ang maririnig ko sa kanya kaya nanatili akong nakanganga. Gusto kong magsalita pero parang may bumara sa lalamunan ko. Sunod- sunod parin ang pagtulo ng luha ako. Pero wala syang pakialam dito. Sabi nya, kahinaan nya ang luha ko. Pero hindi iyon ang naramdaman ko sa kanya. Iba ang naramdaman ko sa kung ano ang sinasabi nya. "Hoy, ikaw! Ikaw ba ang malanding babae na may planong agawin ang boyfriend ko?" Lumapit sa aming ang fiancee ni Russell na si Kendra. At ito agad ang lumabas sa labi nya. Nanlilisik ang titig nito sa akin. Nasaktan ako sa mga masasakit na salitang nanulas sa labi nya. Sapagkat alam ko sa sarili ko, hindi ako ganun. Nagmahal lang ako at naluko. "Wala akong planong agawin si Russell. Hindi ko alam na girlfriend ka nya. Sabi nya magkaibigan lang kayong dalawa. S- Sabi nya, ako ang mahal nya ako." Napatingin si Kendra kay Russell, tila nagtatanong ang mga nito sa kasintahan. Ang mga mata lang nilang dalawa ang nag- usap. Napatawa si Kendra nang ibinalik nito ang paningin sa akin. Hinagod din ako ng tingin at nang ibinalik nya ang mga mata sa mukha ko, kitang- kita ko ang pandidiri nya sa akin na parang mapakarumi kong babae. "Gusto mong malaman ang totoo?" nakakainsulto ang ngisi nya. "Pinagpustahan kalang nina Russell at ng mga kaibigan nya. Kailangang may mauto si Russell na isang inosenteng virgin na babae, at kailangan nyang makuha ang virginity nito, kapalit ng isang mamahalin sports car na pinag- aagawan nilang magkakaibigan. At dahil sa malandi ka kaya ibinuka mo agad ang legs mo." Nanginig ang kalamnan ko sa narinig. Nanghina ang tuhod ko at parang matutumba na ako. Pero gamit ng natitira kong lakas, pinilit kong manatiling nakatayo sa kanilang harapan. Napatingin ako kay Russell. Gusto kong malaman ang katotohanan kahit pa parang pinipiga na ang puso ko sa sobrang sakit. "T- Totoo ba?" hinang- hina kong tanong kay Russell. "Oo." walang gatol nyang sagot. "You're a willing victim. Gustong- gusto ko talaga ang kotse na yon. I'm sorry and thank you." Parang wala na akong maramdaman iba dahil sa sakop na ng sakit na naramdaman ng puso ko ang buong katawan ko. At ito ay mas lalong nagpahina sa akin. Naninikip ang dibdib ko at nahihirapan ako sa paghinga. I cried loud. Wala na akong pakialam. Sobra akong nasaktan. Baka din sa pag- iyak ko, maibsan ang paninikip ng dibdib ko. Bakit nagawa ito ni Russell sa akin? Iniwasan ko sya pero lagi syang nakasunod sa akin. Buong akala ko, gusto talaga nya ako. Pero ang virginity lang pala nya ang gusto ko, kapalit ng isang kotse. Iyon lang ang halaga ng pagk*babae ko sa kanya. Iyon lang! "Ambisyosa ka kasi. Akala mo ba talaga na bababa si Russell sa putikan para sayo? Sa tingin mo ba talaga na magkakagusto sya sa isang mahirap na katulad mo? Gumising ka! Langit si Russell at ikaw ay nasa putik lang." mapang- uyam na tumawa si Kendra. "Kasalanan mo kung bakit ka napaglaruan. Hindi ka lang kasi tanga, malandi ka pa." Hindi ko na napigilan ang sobrang panghihina at tuluyan akong humandusay sa lupa. Napatingin ako kay Russel, wala ako nakikita na awa at pagsisi sa mga mata nya. Ang malamig na titig nya sa akin ay nagdulot ng ginaw sa puso ko. "Isa kang basura, Amari. At mananatili kang basura habang buhay. Wag ka nang mangarap na maabot ang langit kung saan nandun ang mga katulad namin ni Russell. At wala kang karapatan na magalit dahil ang mga tulad mong basura ay walang karapatan, walang laban sa aming mga mayayaman. Ang mga tulad mong basura ay isa lamang laruan namin mga mayayaman." Walang ginawa si Russell, hinayaan lang nya si Kendra na insultuhin ako at tapakan ng sobra ang pagkatao ko. Hawak kamay silang umalis at wala akong nagawa kundi tulong luha na sundan sila ng tingin. Parang sinasaksak ang puso ko ng paulit- ulit sa sobrang sakit nang nangyari sa akin. Niloko ako ni Russell. Pinaglalaruan lang nya ako. Hindi nya ako totoong minahal. Hindi totoo ang sinasabi nyang ipaglalaban nya ang pagmamahalan naming dalawa, sapagkat nilinglang lang nya ang inosente kong puso. At ang sakit kasi hindi ko man lang kayang ibangon ang sarili ko mula sa ginawa nila dahil sa wala akong kakayahan. Wala akong laban sa mga katulad nila. Kailanman, hindi ako nagtatanong kung bakit ipinanganak pa akong mahirap pero ngayon--- sana paggising ko bukas, sana kasing yaman narin nila ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD