Amari's POV - "Bakit late ka ngayon?" salubong agad na tanong sa akin ni Manang Belen. Kapapasok ko lang sa loob ng kusina at talagang late na akong dumating ngayon. Hinihintay ko kasi na balikan ako ni Russell sa kubo, tulad ng sinabi nya sa akin, pero halos mamuti nalang ang mga buhok ko sa paghihintay ko sa nobyo ko pero hindi man lamang ito bumalik para kunin ako. "Hindi kasi ako nakagising agad ng maaga Manang Belen. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko." Talagang masama ang pakiramdam ko. Kanina, pagkaalis ni Russell, bigla nalang akong nagsusuka. Hindi ko alam kung bakit, wala naman kasi akong maalala na nakain ko na syang nagdulot ng pagsama ng sikmura ko. "Ganun ba? Nag- agahan ka na ba? Kumain ka muna." ramdam ko ang pagkaalala nito. Gusto kong kumain para magkaroon ako

