Amari's POV --------- "Anong nangyari sayo? Bakit ka nagsusuka?" kunot- noo na tanong ni Saskia sa akin. "Baka may nakain ako na masama sa sikmura ko. Baka yong salad na kinain ko kagabi." kaarawan ng isang taon gulang na anak ng kapitbahay namin at imbitado kaming dalawa ni Saskia. Napadami ang kain ko ng salad dahil maliban sa paborito ko ito, gustong- gusto ko talagang kumain nito. "Sabi ko sayo na wag mong masyadong damihan ang kinakain mong salad dahil baka hindi kana matunawan. Tama ako, diba? Sumasakit ba tiyan mo?" pagkaalalang tanong nito. "Hindi naman. Okay lang ako. Pupunta na pala ako sa hacienda." paalam ko sa kapatid ko. Tumango lang ito. Pinunasan ko muna ang mukha ko bago ako lumabas sa banyo nitong munting tahanan namin ng kapatid ko. "Oo nga pala. Totoo nga palang a

