SBD6: Pagpapahirap!

2105 Words
Amari's POV Kinikilig pa ako kanina. Kung alam ko lang na ito ang mangyayari sa akin, ipinagdarasal ko nalang sana kanina na hindi ako isasama ni senyorito Russell, kundi si Vivian. Inis na inis pa si Vivian nang nalaman nito na isasama ako ni senyorito Russell na mag- hiking, kaya mas lalo ko itong iniingit. Hindi ko naman lubos akalain na ang bilis ng karma ko dahil sa ginawa ko kay Vivian. Humihingal ako. Mainit na nga ang panahon, tapos ang bigat pa ng dala ko. Kargang- karga ko kasi sa balikat ang malaking bag ni senyorito Russell kung saan nakapaloob ang lahat ng gamit nya. Nahihirapan din ako sa paglakad dahil sa suot ko sa paa. Isang manipis na tsinelas lang kasi na malapit ng mabutas sa gitna ang suot ko. Tapos si senyorito Russell, napaka- komportable nyang tignan sa suot nyang hiking shoes. "Senyorito, pwede po bang magpahinga muna tayo sandali. Pagod na pagod na kasi ako at saka baka pwedeng makahingi man lamang kahit kunting tubig, uhaw na uhaw narin kasi ako." hinihingal kong sambit. Napalingon sya sa akin. Ewan ko kung naririnig ba nya ng maayos ang sinabi ko. Medyo nasa malayo na kasi sya. Hindi ko kasi kayang sabayan ang bilis nya sa paglalakad dahil sa bigat nga ng dinadala ko. "There is a bottle of waters inside the bag. Pwede kang kumuha ng isa pero isa lang. Pag maubos na ang kinuha mo, hindi na kita bibigyan pa. Pagkatapos mong uminom, sumunod ka agad sa akin.I should be there before 12. Tumalikod sya. Saka nya ipinagpatuloy ang paglalakad. Naiinis ako ako habang nasundan ng tingin si senyorito. Hindi ba talaga pwedeng magpahinga kahit ilang minuto lang? Hindi kasi nya naintindihan ang pagod na nadarama ko kasi wala naman syang bitbit na kahit ano. At saka, bakit ba nya naisipan mag- hiking kung kailan tirik na tirik ang araw? Inilapag ko muna ang malaking backpack na dala ko sa malaking gamot ng puno saka ko ito binuksan. Nang nabuksan ko ito, nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Kaya pala sobrang bigat nito, may apat palang bottle water sa loob. At isa lang ang para sa akin. Malunod sana sa mga tubig na 'to si senyorito. Sama ng ugali, eh! Kinuha ko ang isa at agad akong uminom. Dahil sa tindi ng uhaw na naramdaman ko kaya parang naging malamig na softdrink ang lasa ng tubig na inimon ko. Kay sarap ubusin pero hindi pwede. Pag mauhaw ako muli wala na akong iinumin pa. Masyado pang malayo ang pupuntahan namin ni senyorito kaya tiis- tiis nalang. Pagkatapos kong uminom, mabilis kong isinakbit muli sa balikat ko ang backpack at lumakad ako muli para sundan si senyorito Russell. Lagot ako pag nakalayo na ito. Sa wakas, pagkatapos ng ilang oras, narating narin namin ang toktok ng bundok. Hingal na hingal ako. Para akong aso na lumalabas na ang dila. Sinong hindi magkaganito? Kung halos tumatakbo na ako, maabutan ko lang si senyorito Russell. Kakaltasan daw kasi nya ang sweldo ko pag lumampas ng limang minuto at hindi pa ako nakaabot sa itaas. Napatingin ako kay senyorito Russell, nakatayo sya malapit sa bungad ng bangin. Nakapikit ang mga mata nya. Tila sinasamyo nya ang malamig at preskong hangin na tumatama sa balat nya. Ang ganda nyang pagmasdan. Para talaga syang Greek God sa kaguapuhan at kakisigan. Aminado ako crush ko parin sya kahit ang sama ng ugali nya. Crush lang naman at bawal ko syang magustuhan ng sobra dahil sa layo ng agwat naming dalawa. Impossible din naman na magkakagusto sya sa isang tulad ko. "Wag mo akong titigan. Para kang tanga dyan." aniya, kahit nakapikit parin ang mga mata nya. Ang galing nyang makiramdam sa buong paligid, at nalaman nya na nakatitig ako sa kanya. Pero hindi ko parin inalis ang mga mata ko sa kanya. Sa lahat kasi ng magagandang tanawin na nakikita ng mga mata ko, sya ang pinakamaganda. At natural lang naman na mas gusto natin tumingin sa kung anong mas nagagandahan tayo. "Sabi ko wag mo akong titigan." biglang ibinuka ni senyorito Russell ang mga mata. Mabuti nalang at mabilis kong naibaling sa ibang direksyon ang mga mata ko. "Excuse me, senyorito. Hindi ako sayo nakatingin. Nakatingin ako sa puno na nasa gilid mo." depensa ko. Bawal pa naman syang titigan. Kasi trabaho ko nanganganib pag gagawin ko ito. Umalsa ang isang bahagi ng labi nya. Parang gusto nyang ngumiti pero pinigilan lang nya ang sarili. "Alam mo senyorito Russell, kung gusto mong ngumiti, pwede ka naman ngumiti. Libre lang naman ang ngumiti. Bakit mo pa pinipigilan?" hindi ko napigilan sambit, huli na para bawiin. Mula nung dumating sya sa hacienda, hindi ko pa sya nakitang ngumingiti. Gusto ko lang naman makita kung paano sya ngumiti. Nabago bigla ang ekspresyon ng mukha nya. Imbes na matutuwa sya sa sinabi ko, mas lalong naging busangot ang mukha nya. Wala na naman siguro ito sa mood. "Bilisan mo dyan, bababa na tayo." saka sya humakbang muli pababa ng bundok. "H- Ha! Pero------" "Bilisan mo kung ayaw mong mawalan ng trabaho." Gusto kong sumigaw sa inis. Pambihira naman! Kararating lang namin, tapos bababa din agad. Hindi pa nga ako naka- recover sa pagod na naramdaman ko at hindi pa nga ako nag- enjoy masyado sa view tapos bababa agad. Ang sarap talagang magreklamo pero wala akong karapatan. Habang naglalakad kami pababa sa bundok, nakasunod lang ang titig ko kay senyorito Russell, habang nagngitngit ang kalooban ko. Problema nya? Para syang walang happiness sa buhay. Napa- grumpy nya. Pikon lagi. Parang pasan lagi ang mundo. Medyo mas madali ang pagbaba kaysa sa pag- akyat. Isang oras siguro mahigit ang inabot namin hanggang sa nakarating na kami sa kung saan nakaparada ang kotse ni senyorito Russell. Sa wakas, makapag- relax narin ako sa loob ng kotse nya. Sasakay na sana ako sa passenger seat nang--- "You're not allowed anymore inside my car." malamig nyang sambit. Umandar na naman ang sumpong nya. "Ano po? Paano ako makauwi sa hacienda?" "You walk. Hindi ka naman maliligaw dahil pamilyar naman sayo ang lugar at taga dito ka naman." Hindi naman ang maligaw ang problema ko kundi ang pagod. Kanina pa ako pagod na pagod, gutom na nga rin ako kasi tanghalian na. Ang layo pa ng hacienda, mga dalawang kilometros pa siguro. "Pero-----" Kinuha nya ang dala kong bag at ipinasok nya ito sa kotse. Mabilis din syang pumasok sa kotse pagkatapos, saka nya ito pinatakbo nang mabilis. Nanlaki ang mga mata ko na naiwan. Naiwan akong nakatanga. Ang sakit pala pag maiwan. Yong inakala ko na magkasama kami pero iniwan lang pala nya ako na walang paliwanag. Iyan ang naramdaman ko ngayon. Mayamaya lang, naramdaman ko ang pag- init ng bawat sulok ng mga mata at pag- agos ng mainit na likido mula dito. Naiiyak ako. Naiiyak ako sa nangyari sa akin. Naiiyak ako sa pagod at gutom. Tapos nagawa lang akong iwan dito ni senyorito Russell. Bakit ba ang sama- sama ng ugali ni senyorito Russell? Tila ako walang buhay na naglakad. Masamang- masama talaga ang loob ko sa salbahe kong amo. Mukhang mas pangit pa ang ugali nya kaysa Lola nya. Sayang ang paghanga ko sa mukha ni senyorito Russell, masyadong nakakadiscourage ang ugali nya. Mayamaya lang, may kotseng huminto sa gilid ko. Napahinto ako sa paglakad at napatingin dito. Buong akala ko binalikan ako ni senyorito Russell pero nanlumo ako nang hindi kotse nya ang huminto kundi ibang kotse. Ibinaba ng driver ang bintana sa bungad nito. Napanganga ako dahil guapo ang driver, parang artista. Halatang may dugong foreigner. "Excuse me miss--" anito. Ang ganda ng boses. "Malapit na ba dito ang haciendang Aragon? Naliligaw yata ako." "Mga dalawang kilometro palang. Doon nga ako papunta." "Really?" nagliwanag ang mga mata nito. "Sumabay ka nalang sa akin. "H- Ha!" nagdadalawang isip ako. Baka masamang tao ito. Hindi ko ito kilala. "C'mon, hindi naman ako masamang tao. Kabarkada ako ni Russell. I heard nasa hacienda sya ngayon." Kabarkada pala ito ni senyorito Russell. Baka masama din ang ugali nito. May kasabihan pa naman na 'Tell me who your friends are, and I tell you who you are.' "Please." napanganga ako sa pakikiusap nya. "Nabo- bored na din kasi ako. Kanina pa ako bumibyahe na walang kasama. Kinakausap ko na nga ang sarili ko, hindi naman ako sinasagot. Mukhang mas masarap kang kausap kaysa sarili ko." Napaawang ang labi ko. Kung talagang hindi masama ang ugali niro. Nakakatakot parin ito. Para kasi itong baliw. Mukhang hindi naman ito masamang tao kaya pinutol ko na agad ang pagpapakipot ko at sumakay ako sa kotse nito Sa passenger seat sana ako papasok, pero gusto nitong sa tabi nito ako uupo. Agad nanuot sa ilong ko ang mabango nitong amoy nang nakapasok na ako sa loob. "Anyway, how's Russell? Hindi kasi ito nagparamdam sa amin ng mga kabarkada nya?" "Sumpungin parin." nakasimangot kong sambit. Naalala ko na naman ang ginawang pagpapahirap ni senyorito Russell sa akin. Napatawa ito sa sinabi ko. Ang lakas ng tawa na para talagang nakakatawa ang sinabi ko. "Ganyan naman sya lagi. Hayaan mo na. Pangit kasi ang childhood nya." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. Tila naumid ang dila ko. Pangit pala ang kabataan ni senyorito Russell? Ito ba ang dahilan kaya malungkutin si senyorito Russel at pangit ang ugali nya? Kawawa naman pala sya. Mabuti pa kami ni Saskia, kahit salat kami sa buhay pero ang saya ng kabataan naming dalawa kasama ng parents namin. Tunay ngang walang perpektong buhay. Agad naman kaming nakarating sa hacienda. Nakita ko na nakahinto ang kotse ni senyorito Russell sa labas ng gate ng hacienda. Sa tingin ko may hinihintay si senyorito. Nakasandal kasi sya sa gilid ng kotse nya habang nakacross arms. Baka itong kaibigan nya ang hinintay nya. "Bro Russell---" masayang bulalas ng kasama ko, na hindi ko pala naitanong ang pangalan, kalalabas lang nito ng kotse. Napatuwid ng tayo si senyorito Russell at kunot- noo syang nakatingin sa kaibigan nya. "What are you do-----" hindi natulo ni senyorito ang ibang sasabihin nya at napatingin sya sa akin. Kalalabas ko lang mula sa kotse ng kaibigan nya. "B- Bakit kayo magkasama?" "Nakita ko sya sa daan bro. Since pareho yong pupuntahan namin kaya pinasakay ko nalang sya. Ang init pa naman ng panahon. Baka masira pa ang maputing balat ni----" napatingin ito sa akin, tila nagtatanong ito sa kung ano ang pangalan ko. Pero, bago ko pa nasabi ang pangalan ko, naunahan na ako ni senyorito Russell na magsalita. "Dumiretso ka sa loob." ani ni senyorito Russell sa kabarkada nya. "Hintayin mo lang ako dahil may pag- uusapan pa kami ng katulong namin." Ngumiti sa akin ang kabarkada ni senyorito Russell, saka ito pumasok muli sa kotse nito. Pinatakbo nito ang kotse papasok sa malaking gate ng haciendang Aragon. Hinila naman ako ni senyorito Russell palapit sa kotse nya. "Pumasok ka." pautos nyang sambit. "Bakit po?" gutom na gutom na ako. Gusto ko nang kumain. "Just get inside." pagalit ang boses nya kaya natakot ako. Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse nya. Nang nakapasok na ako, agad din syang pumasok sa loob, at pinatakbo nya muli ang kotse. Nanlaki ang mga mata ko nang inihinto nya ang kotse nya sa kung saan nya ako iniwan kanina. "A- Anong ginagawa natin dito?" kunot- noo ako. Nagrereklamo na yata ang mga alaga ko sa tiyan ko. Gutom na talaga ako. "Pag sinabi ko na maglakad ka, maglakad ka. Kung hindi mo susundin ang utos ko sa susunod, talagang habang buhay ka nang mawawalan ng trabaho." Nabuhayan ako ang galit. Talagang sumusobra na sya. "Ano bang problema mo?" napalakas ang boses ko. "Ginawa ko naman lahat ng inutos mo kahit hindi na makatarungan ang iba. Hindi mo ba naisip na kanina pa ang tanghalian pero hanggang ngayon, wala parin akong kain? Gutom na gutom na ako. Pagod na pagod din ako. Hindi mo ba naisip na nakakapagod ang ginagawa natin kanina? Ang sama mo, parang hindi tao ang tingin mo sa akin." napatulo ang luha ko dahil sa sama ng loob at awa narin sa sarili ko. "Mabuti pa yong aso ng kapitbahay namin, pinapakain sa tamang oras. Hindi ako hayop, tao ako pero parang hayop mo akong tratuhin." "Ang aso ay nanilbihan sa amo nya. Ikaw ay nanilbihan sa pamilya namin. Anong pinagkaiba mo sa aso? I don't care if you are hungry, what I care about is that, hindi mo sinunod ang utos ko. Ayaw na ayaw ko pa naman na sinusuway ako." hindi ko naramdaman ang awa nya. "Now, sundin mo ang utos ko kung ayaw mong tanggalin kita sa trabaho mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD