SBD7: Titigan!

1799 Words
Amari's POV "Hoy eneng, bakit nakatunganga ka dyan?" Napatingin ako sa nagtatanong sa akin. Si Mang Poldo, isang sikat na albularyo sa lugar namin. May dala ito na mga nakabugkos na mga patay na kahoy na alam kong gagawin nitong panggatong. Nakahanda na sana ako para pumunta sa hacienda kaya lang bigla akong nawalan ng gana nang naalala ko si senyorito Russell at ang pinaggagawa nya sa akin kahapon. Mas malalala pa si senyorito kaysa sa Lola nito. Talagang kasiyahan nito ang pagtripan ako kaya nag- alala ako ng sobra. Baka ano na naman ang ma- isip na gawin ni senyorito sa akin. At dahil sa pangangamba kaya napaupo ako sa upuan na gawa sa kawayan sa labas ng bahay namin. Wala ako sa mood para pumasok sa trabaho. "Naisip ko kasi yong masamang espirito na makikita ko na naman ngayon." sagot ko dito. Si senyorito Russell ang tinutukoy ko. "Naku! Kailangan mo nang pangontra sa masamang espirito na yan. Yong kapatid mo, bumili din sa akin ng kwentas kahapon. Para sa taong may sanib yong kwentas na binili nya. Mga magaganda kasi kayong magkakapatid kaya kayo lapitin ng mga masasamang espirito. Oo pala, baka gusto mo rin bumili ng pangontra. Kailangan mo talaga ng pangontra. Baka kung ano ang gagawin sayo ng masamang espirito." Ayos din itong mag sales talk si mang Poldo, kahit may kargang kahoy, ang galing parin mambola. "Tao po ang tinutukoy ko Mang Poldo pero masamang espirito yong nasa katawan nya." "Sinasaniban ba?" "Hindi po Mang Poldo, talagang ubod lang ng pangit ang ugali nung taong tinutukoy ko. Kung pagkain lang yong ugali ng taong iyon, kahit aso ayaw kainin ang pagkain na ito." "Ahh..." patango- tango si Mang Poldo. "May kunting alam ako sa kulam, gusto mo kulamin ko. Mura lang. 100 pesos." Dami talagang raket nitong si Mang Poldo. Magpapaturo nalang kaya ako dito. Maging albularya nalang kaya ako. Mukhang nakakayaman. Kasi ang mamahal ng serbisyo nito, ang mamahal pa ng mga paninda gamot. Nung may lagnat ako, bumili ako kay Mang Poldo ng halamang gamot sa halagang 20 pesos, tapos ang biogesic, tag 6 pesos lang sa kapitbahay namin. "Salamat nalang po mang Poldo. Bad po yang kulam baka karmahin ako." "Wag kang mag- alala ineng, may pangontra din ako sa karma, 80 pesos lang." Ayos talaga itong si Mang Poldo. Napaka- negosyante talaga nito. Ang dami nitong produkto na itinitinda. Daig pa nito ang isang totoong businessman. "Mang Poldo, gawin mo nalang kaya akong assistant. Ituro mo sa akin ang mga nalalaman mo para pag mamamatay na kayo hindi parin mabubura ang legacy mo. Kasi nandito na ako para ipagpatuloy ang nasimulan mong empire." sambit ko. Mag- isa nalang si Mang Poldo. Walang pamilya kasi matandang binata ito. "Pambihira ka naman eneng, mas malakas ka ako kaysa sa kalabaw, tapos pinapatay mo na ako. Sige- sige, aalis na ako baka mamaya, nasa impyerno na ako." ------------- Parang may kadena na nakatali sa mga paa ko habang papasok ako sa gate ng haciendang Aragon. Ang bibigat kasi ng hakbang ko. Mabuti nalang at hindi pa ako late. Baka hindi lang kaltas sahod ang mangyayari sa akin. Sa ugaling meron si senyorito Russell, baka wala talaga akong sasahurin. "Hoy, pinatatawag ka na naman ni senyorito Russell." salubong sa akin ni Vivian. Masama ang titig nito sa akin. Alam kong galit na naman ito dahil ako na naman ang hinahanap ni senyorito Russell. Kung alam lang nito na pasanin na sa buhay ko ang presensya ng senyorito. At ang marinig lang na tinatawag na naman ako nito ay parang pinagsakluban na naman ako ng langit at lupa. "Bakit na naman?" "Ewan ko. Puntahan mo daw sya sa kwarto nya." taas kilay na sambit nito. "Magtapat ka nga sa akin. Anong gayuma ang ginamit mo sa senyorito at bakit ikaw ang lagi nyang gustong ipatawag? Hindi ka naman kagandahan. Mas maganda naman ako sayo." Nagclose- open ang tila nasagasaan ng tren na ilong ni Vivian. Maganda naman si Vivian dahil maputi ito at may malaking dibdib. Minus lang ang malaking ilong nito na parang sinasagaan ng tren sa sobrang pagka- flat. "Ewan ko. Mas nagagandahan siguro sa akin si senyorito." Hindi ko napigilan na patulan ito. Napataas na naman ito ng kilay saka ako padabog na iniwan. Mas lalong bumibigat ang mga paa ko habang humahakbang ako papunta sa kwarto ni senyorito Russell. Nang nakarating na ako, agad akong kumatok sa may pinto. "Come in." boses ng senyorito. Agad kong binuksan ang pinto. Hindi ko nakita si senyorito kaya ipinalinga ko ang mga mata ko sa loob ng kwarta nya. Hanggang sa nahagip na ng paningin ko si senyorito at sobrang nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Nakatapi lang kasi si senyorito ng malaking tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan nya. Nakatalikod sya at naghahanap ng maisuot sa closet. Madalas maliligo si senyorito sa may swimming pool kaya lagi ko syang nakikita na naka- swimming trunks lang pero iba parin ngayon, dahil kaming dalawa lamang at nasa loob kami ng kwarto nya. At halos nakahubad na sya. Grabeh! Biglang uminit ang panahon kaya hindi ko napigilan at napapaypay ako sa sarili ko gamit ang kamay ko. Bagay na pinagsisihan ko dahil biglang napalingon si senyorito at huling- huli nya sa akto ang ginawa ko. Sobrang nag- init ang pisngi ko dahil sa hiyang naramdaman ko. "Anong nangyari sayo?" kunot- noo na tanong ni senyorito. "Ah--- pinunasan ko ang sarili ko senyorito. Pawis na pawis kasi ako."pagsisinunggaling ko. Umalsa ang isang bahagi ng labi nya na parang pigil nya ang tawa. Hindi na ako nagkamali na biruin pa sya at baka ano na naman ang maisip nyang kababalaghan na gawin sa akin. "Lagyan mo ng lotion ang likod ko." aniya sabay abot sa akin ng lotion na hawak nya. "H- Ha!"laking mata kong sambit. "I said put a lotion in my back. Parang nangingitim na ang likod ko dahil sa kabibilad sa araw." Napasilip ako sa likod nya. Hindi naman maitim. "S- Senyorito Russell, hindi naman po maitim ang likod nyo. Hindi nyo pa kailangan maglagay ng lotion." "Mas magaling kapa kaysa sa akin?" nag- isang guhit na naman ang kilay nya. "Sino ba ang amo dito? At sino ang katulong lang?" "K- Kasi..." Nakakatakot na malapat sa balat nya ang kamay ko. Baka hindi nya magustuhan ang haplos ko at tanggal na naman ako sa trabaho. Isa pa, nakakabaliw sa isip ang isipin na mahahaplos ko ang balat nya at halos hubad pa sya. Hindi ko alam kung maswerte ba ako o malas. "Gusto mo bang matanggal sa trabaho?" pagalit na sambit nya. Halata ang irritasyong sa mga mata nya. "Ikaw naman senyorito." pinilit kong ngumiti. "Saan na ang lotion? Kailangan na ngang lagyan ng lotion ang likod mo, sobrang itim na kasi. Sa tingin ko, kailangang lagyan ng lotion ang likod mo araw- araw." "That's your work every day." "Gusto ko man senyorito, pero hindi pwede, weekends lang ako nandito." mabuti nalang dalawang araw lang ang trabaho ko. "You have to find a way kung ayaw mong tanggalin kita sa trabaho." Kinalma ko ang sarili ko. Mamaya ko na iisipin itong demand nya sa akin. Hindi ko ipagpapalit ang pag- aaral ko para araw- araw lang na haplusin ang likod lang. Yummy nga sya pero hindi ako makakakain ng yummy na pagkain kung pababayaan ko nalang ang pag- aaral ko dahil sa kanya. Ang edukasyon ang aangat sa buhay ko. Patagilid syang naupo sa kama nya at bahagya naman akong sumampa sa kama at sinimulan ko ng lagyan ng lotion ang likod nya. Nanginginig ang kamay ko at kahit kakasimula ko palang, pinapawisan na ako. Malamig naman ang aircon pero bakit pinapawisan ako? Nag- init ang pakiramdam ko. "Ayusin mo ang ginagawa mo?" pautos nyang sambit. Paano ko maayos ang ginagawa ko? Nanginginig nga ako. "Hindi naman kasi ito ang trabaho ko." reklamo ko. Mahina lang ang boses ko baka narinig pa nya at tuluyan na akong mawalan ng trabaho. "What did you say?" pabigla syang lumingon kaya natamaan tuloy ng ulo nya ang isang bahagi ng mata ko. "Aray ko po. Ang sakit!" tuluyan akong napaupo sa kama. Sapo ko ang mata ko na natamaan ng ulo nya. Sobrang sakit talaga, naluluha na ako sa sobrang sakit. Hindi ko na halos maibuka ang mata ko dahil sa sobrang sakit. "Mag- ingat ka kasi." paninisi pa nya sa akin. "Maingat naman ako." reklamo ko. "Ikaw ang biglang lumingon dyan." "Bakit ba kasi sobrang lapit mo sa akin?" Lumapit nga ako sa kanya ng sobra. Ang bango kasi nya kaya hindi ko napigilan na amuyin pati ulo nya. Pero, hindi ako aamin nito. Hahayaan ko syang isipin na sya ang may kasalanan. Iniba nya ang posisyon nya. Naupo sya paharap sa akin. "Let me see." nakakatakot. Ang bait naman ng boses ni senyorito. Hinawakan nya ang mukha ko. Para akong nakukuryente sa paghawak nya. Kinuha nya ang kamay ko na nakatakip sa mata ko na natamaan nya. Bigla yatang nawala ang pananakit ng mata ko nang napagtanto ko na sobrang lapit ng mukha ni senyorito sa mukha ko. Ilang dangkal lang ang agwat nito. Kaya sobrang nanlaki ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang paghinga nya. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga. Tulad ko nanlaki din ang mga mata ni senyorito Russel. At nagkatitigan kaming dalawa. Tila tumigil ang oras habang nagkatitigan kami ni senyorito Russell. Sunod- sunod ang paglunok ko nang lumakbay ang titig nya sa buong mukha ko at huminto ito sa may labi ko. Ramdam na ramdam ko ang paninigas ko nang mas inilapit pa ni senyorito Russell ang mukha nya sa mukha ko. This is a torture! Kahapon, pinahihirapan nya ako dahil sa pagod at gutom, ngayon naman, ibang pahirap na naman ang ginawa nya sa akin. Parang nanunuyo ang lalamunan ko at matinding uhaw ang naramdaman ko. Gusto kong gumalaw. Gusto ko syang itulak pero talagang naninigas ako. Hindi ko napigilan at naipikit ko ang mga mata ko nang isang dangkal nalang yata ang pagitan ng labi naming dalawa ni senyorito Russell. Pero, naibuka ko din ang mga mata ko bigla nang narinig ko ang tawa ni senyorito. Malayo na ang mukha nya. Tila nakakainsulto ang tawa nya. "Buong akala mo ba talaga na hahalikan kita? I won't do that. Never! Hindi ako pumapatol sa mga katulong. Alam kong may crush ka sa akin kaya naiinis ako sayo. Sana nagising kana sa katotohanan na wala akong ibang gustong gawin sayo kundi ang insultuhin at pahirapan ka lang." Napanganga ako sa sinabi nya. Pero unting- unti ko din naintindihan ang ginagawa nya at parang sinasaksak ang puso ko nang tuluyan nag sink in sa isip ko ang mga katagan na binitawan nya. Crush ko nga sya at ginamit nya ito bilang kahinaan ko. Masakit pala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD