SBD8: Anong problema?

1844 Words
Amari's POV - "Hi, Amari!' Nasa may kwadra ako at tumutulong na paliguan ang mga kabayo dito. Nakipagpalit ako ng trabaho sa isang kong kasamahan dahil ayaw ko doon sa loob ng mansyon. Iniiwasan kong magkasalubong si senyorito Russell. Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ang isang masayang boses na bumabati sa akin. Agad akong napalingon at sumalubong sa mga mata ko ang nakangiting mukha ng bisitang kaibigan ni senyorito Russell. Yong nagpasakay sa akin sa kotse nya kahapon. Paano kaya nya nalaman ang pangalan ko? Ah... baka itinanong nya sa mga katulong. "Good afternoon po, senyorito!" magalang na bati ko dito. "Ang pangit sa pandinig. Don't call me senyorito, pangit sa pandinig ko. Hindi kasi ako sanay. Yong mga katulong kasi sa amin, tinatawag lang kasi ako sa pangalan ko." "H- Hindi ko naman po alam ang pangalan mo?" "Just call me Ryan." inilahad nya ang kamay sa akin. Nagdadalawang- isip ako na tanggapin ang pakikipagkamay nya. Kaya nakatitig lang ako sa kamay nya. "M- Madumi kasi ang kamay ko." talagang madumi ang kamay ko, at basa din. "Okay." nakangiti nyang sambit. Nakatayo sya paharap sa akin. Hindi ko alam kung paano sya palayasin para maipagpatuloy ko na ang trabaho ko. Nakakahiya naman kasing sabihin sa kanya na kailangan na nyang umalis. "Pwedeng magpasama sayo sa pamamasyal sa buong hacienda?" "H- Ha!" "Gusto ko sanang magpasama sayo sa pamamasyal sa haciendang Aragon. This is my first time here at baka matagal pa bago ako makabalik dito. Hindi ko din alam kung makakabalik pa ako. Baka kasi iba na ang nagmamay- ari nito pagbalik ko." Kunot- noo ako sa sinabi nya. Gusto kong itanong sa kanya ang ibig nyang sabihin pero nahihiya ako, hindi kasi kami close. "P- Pero may trabaho pa ako sir Ryan." naalala ko na naman ang salbahe kong amo. Hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko at baka ano na naman gawin nung sa akin. Kaya nga ako nag- volunteer na ako nalang ang tutulong dito sa may kwadra, imbes si Vivian, para makatakas ako sa amo kong kampon ng kadiliman. Tuwang- tuwa naman si Vivian sa ginawa ko, ayaw kasi nito sa kwadra. Mabaho daw at baka masira ang balat nito. At time narin daw nito para akitin si senyorito Russell. I wonder kung naranasan rin ni Vivian ang pagpapahirap na ginawa ni senyorito Russell sa akin. Mukhang wala naman problema ang babaeng iyon sa senyorito. "Ako ang bahala sayo. Si Russell naman ang nagsabi sa akin na pwede akong magpasama sa kahit sinong katulong dito sa hacienda. At ikaw lang ang close sa akin." Kailan pa kami nagiging close? Feeling close yata itong si Ryan sa akin. "Sige na please. Pagbigyan mo na ang bago mong kaibigan." nagsumamo ang titig nya sa akin. Kawawa naman. Ang cute pa naman tignan ng charming eyes nya habang nagsusumamo sa akin. Ang gwapo din kasi nitong si Ryan, at magkasing tangkad at magkasing katawan lang yata sila ni senyorito Russell. -------- "How old are you, Amari?" tanong sa akin ni Ryan. Palakad- lakad kami sa hacienda, habang hilang- hila namin ang isang kabayo. Buong akala ko kanina, makakasakay na ako ng kabayo nang hiramin nya si Whisper, ang kabayong hila namin. Hindi pala sya marunong mangabayo, dahil ngayon lang pala sya nakapunta sa isang probinsya. Proops lang pala namin itong si Whisper. Gusto daw kasi nyang maramdaman na sobra na isa syang haciendero. Nung una, naiilang pa ako sa kanya pero ngayon gumaan na ang pakiramdam ko, masaya kasi syang kausap at kasama. Kung sana, kasing ugali lang nya si senyorito Russell, ang saya sana ng buhay ko. "16." matipid kong sagot. "What? You're just 16. You're not even legal yet. Akala ko 18 kana, kasi matangkad ka at kurba na yong katawan mo. Me, I am 24, kakagraduate lang namin dalawa ni Russell sa college. Parehong architecture yong kinuha namin. Bestfriend ko si Russell mula pa nung high school days namin." "Bestfriend mo pala si senyorito Russell? Paano mo kaya natagalan ang ugali nya?" hindi ko napigilan tanong. Pero, baka mabait si Russell dito kasi mayaman ito. Sa mga mahihirap lang yata allergic si senyorito Russell. Napatawa sya sa tanong ko. "Russell is not that bad. Mabait naman sya." Mabait? Saang banda? Hindi ko yata nakita ang kabaitan nito? "Are you still studying?" "Oo. Tuwing weekends lang ako nandito. Ang sweldo ko dito ay baon ko sa paaralan." "That's good." napathumbs up pa sya. "Nakakahanga ang mga taong katulad mo na hindi pinabayaan ang pag- aaral. Someday, it will help you to get a good job. Wag kang makuntento na hanggang katulong ka lang, kaya wag mong pabayaan ang pag- aaral mo. Your parents raised you well, iyon ang napupuna ko." Napanganga ako sa sinabi nya. At hindi ko na naman mapigilan na ikumpara sya kay senyorito Russell. Bakit ba hindi magkatulad ang mindset nilang dalawa ni senyorito Russell? "Salamat." matamis ang ngiti ko. "I can't wait to see you successful, Amari. Sana magkita pa tayo muli." Hindi na ako nagkumento sa sinabi nya. Isang ngiti na naman ang ginawa ko. Saka may naalala ako. Ayaw ko man itanong pero talagang na- curious ako. "Ryan, may itatanong sana ako sayo. Sana hindi ka mag- isip ng masama sa tanong ko. Anong ibig mong sabihin nung sinabi mo na baka ito na ang huling bisita mo dito? At baka pagbalik mo, iba na ang nagmamay- ari nito?" "Next week, pupunta ako sa ibang bansa. Sa Paris. Doon na ako maninirahan kasi sa akin ipinagkatiwala ng daddy ko ang business namin doon. Ewan ko kung kailan pa ako makakabalik dito sa Pilipinas. Baka habang buhay na ako doon maninirahan. At kung babalik man ako dito sa Pilipinas, baka iba na ang nagmamay- ari nitong haciendang Aragon dahil plano ni Russell na ibenta ito. Wala sa plano nya na manirahan dito. Ayaw din nyang e- manage itong hacienda." Ganun pala. Sayang naman itong haciendang Aragon. Napamahal pa naman ito sa akin kahit pa masama ang ugali ni donya Guardia. Lagi na kasi akong isinasama ng nanay ko dito mula pa nung bata ako. Pag mayaman lang ako, talagang ako na bibili nitong hacienda, at papalitan ko ang pangalan nito nang haciendang Amari, para lulugwa ang mga mata ni senyorito Russell. Ang ganda din kaya dito sa San Martin. "Merong dumi ang mukha mo." mayamaya, sabi ni Ryan sa akin. "H- Ha?" awang labi ako. "S-Saan?" Imbes na sagutin nya ako, itinaas nya ang kamay nya para punasan ang mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. "May dumi kasi ang muk----" "Are you guys done flirting with each other?" Sabay kaming napatingin ni Ryan sa nagsasalita. At sumalubong sa paningin namin si senyorito Russell. Nakasakay ito sa kabayo nito na may pangalang Demon. Bagay na bagay dito. "Bro, nag- eenjoy kami ni Amari sa pamamasyal. Masayang kasama talaga itong si Amari." "Bakit mo iniwan ang trabaho mo?" hindi pinansin ni senyorito Russell ang kaibigan. Bagkus ako ang hinarap nito at galit ang nababasa ko sa mga mata nito. "K- Kasi---ahmmm--- ano---" nakakatakot. "Bro, you said, na pwede akong magpasama sa kahit sinong katulong nyo." "I said except her." What? Except me? Ano bang problema nya? Allergic talaga sya sa akin. Bumaba si senyorito Russell mula kay Demon. Saka nya hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko na naman ang paggapang ng libo- libong bultahe ng kuryente sa loob ng katawan ko. "Uuwi na tayo. Maraming trabaho sa hacienda." "Russell, sandali lang, sabay nalang kaming umuwi ni A----" "Ayyy!" napasigaw ako sa pagkabigla nang bigla akong kinarga ni senyorito Russell at mabilis nya akong nasampa sa likod ni Demon. Biglang- bigla ako sa ginawa nya. Pati si Ryan ay nanlaki ang mga mata sa pagkabigla. Mabilis naman sumampa muli si senyorito Russell sa likod ni Demon. Saka nya hinawakan ang tali nito. Ang lakas ng t*bok ng puso ko, para kasing niyayakap ako ni senyorito Russell. Nasa likod ko kasi sya. "Hintayin mo nalang dito si Vivian, papunta na yon dito." ani ni senyorito Russell kay Ryan." Maraming trabaho si Amari sa hacienda." At pinagtakbo na ni senyorito Russell ang kabayong si Demon. Para akong mabibingi sa lakas ng t*bok ng puso. Pakiramdam ko may mga nagkakarera na kabayo sa loob ng dibdib ko. Kahit hindi naman talaga intensyon ni senyorito Russell pero parang nakayakap na sya sa akin. Aminado ako, ang tamis talaga ng ngiti ko ngayon. Kinikilig ako. Para akong naglalakad sa cloud nine. "Kumapit ka." pati ng boses ni senyorito, ang sarap pakinggan, parang umaakit sa akin. "Baka mahulog ka." Tama. Kailangan ko nga kumapit. Baka mahulog pa ako---- Baka mahulog pa ako sa kanya ng tuluyan. Okay na itong crush ko lang sya. ------ Kainis talaga si senyorito Russell. Inuwi lang ako dito sa mansyon para punasan muli ang mga pinunasan ko na kanina. Nag- enjoy pa naman ako masyado sa pamamasyal namin kanina ni Ryan. Makipagtsismisan pa naman sana ako dun sa tao. Todo simangot ako. Inis na inis talaga ako. Panis na ang kilig na pinalasap ni senyorito Russell sa akin kanina, napalitan na iyon ng inis. Nabaling ang paningin ko sa malaking portrait ni senyorito Russell na nakasabit. Yong lagi kong pinagmamasdan nung. Tumigil ako sa ginagawa ko at tuluyan kong hinarap ang portrait. Nakapamaywang ako. Naalala ko ang usapan namin ni senyorito Russell kanina. "Layuan mo si Ryan. Ayaw kong lumalapit ka sa kanya." madiin na sambit ni senyorito Russell. "Bakit?" lakas loob kong tanong. "Dahil ayaw kong lumalapit ka sa kaibigan ko." at tinalikuran na nya ako. Napaka- unreasonable talaga ni senyorito Russell. Ayaw nyang lumalapit ako kay Ryan dahil sa----wala lang---- gusto lang nya. "Ikaw." ani ko sa portrait. Iniimagine ko na si senyorito Russell ang kaharap ko. "Ano bang problema mo? Bakit mainit lagi ang dugo mo sa akin? At bakit ayaw mo akong palapitin kay Ryan? Magtapat ka nga sa akin. Bakla ka ba? At kaya ka galit sa akin dahil insecure ka sa beauty ko? At kaya ayaw mo akong palapitin kay Ryan dahil may gusto ka sa kaibigan mo? Kaya ka siguro laging may sumpong na parang may regla dahil pagod na pagod ka nang itago ang totoo. At gusto mo nang mag- out. Mag out kana kasi!" At least, naibsan ng kunti ang inis ko nang nasumbatan ko na si senyorito Russell kahit papaano, kahit portrait lang ang kaharap ko. Tinalikuran ko na ang portrait. Ipagpapatuloy ko na sana ang ginagawa ko nang----- "S- Senyorito Russell, nandyan ka pala." nakasandal ito sa habla ng pinto. Nakapamaywang at nakatingin sa akin. Kinakabahan ako ng sobra. Sa tingin ko, putlang- putla ako ngayon. Narinig kaya nya ang mga sinasabi ko sa portrait nya? "Yes. Kanina lang. Nakabantay lang ako dito habang naglilinis ka." "K- Kanina ka pa?" ang lakas ng kaba ko. Sa sobrang lakas ng kaba ko, parang nanginginig yata ako. "Yes. And I heard everything." umayos sya sa pagkakatayo. "You want me to be out, huh!" Humakbang sya palapit sa akin. Mas lalo akong kinakabahan. God! Anong gagawin nya sa akin? Ito na yata ang katapusan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD