Amari's POV - Nagising ako sa isang kwarto ng isang kubo. Ipinalinga ko ang mga mata ko, hindi pamilyar sa akin ang kwartong namulatan ko. Napatingin ako sa pinto na gawa sa kawayan nang bumukas iyon. "Mabuti at gising kana, Amari." si Manang Belen. Kitang- kita ko ang pagkaalala sa mga mata nito habang nakatingin ito sa akin. "Manang, ano po ang nangyari?" kunot- noo ako. "Nawalan ka ng malay. Pinakiusapan ko sina Noel at Lino na buhatin ka at ihatid dito sa kubo ko." Nawalan ako ng malay? Inalala ko ang nangyari. At parang tinaga ang puso ko nang tuluyang pumasok sa gunita ko ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Nag- init ang bawat sulok ng mga mata at sunod- sunod na ang pagtulo ng luha ko. "Manang Belen, si Russell po! Tototo po ba ang nangyari kanina? Totoo po ba

