Amari's POV - "Hoy, ikaw! Ikaw na malanding babae na planong agawin ang boyfriend ko." Nakita ko si Kendra na naglalakad palapit sa aming dalawa ni Russell. Tumayo ito sa tabi ni Russell at ito agad ang naring ko dito. Nanlilisik ang mga titig nito sa akin. Nasaktan ako sa mga masasakit na salitang nanulas sa labi ni Kendra. Sapagkat alam ko sa sarili ko, hindi ako ganun. Nagmahal lang ako at hindi ko naman lubos akalain na maluko lang pala ako. "Wala akong planong agawin si Russell. Hindi ko alam na girlfriend ka nya. Sabi nya magkaibigan lang kayong dalawa. S- Sabi nya, ako ang mahal nya." Hindi ko napigilan sabihin ang mga sinabi ni Russell sa akin. Pinunasan ko din ang luha ko. Mas lalo lang akong maging kawawa sa harapan ni Kendra pag makita nya ang luha ko. Napatingin si Kendr

