Maya POV At kagaya nga nang sinabi nito, malugod na pinayagan kami ni nanay pumunta sa isla malayha. May pinabili pa nga sya samin na pinalista sakin ni dok, upang hindi daw makalimutan. Kaya ngayong madaling araw ay nandito na kami sa pampang, hinihintay ang bangka na aming sasakyan. Kung hindi ba naman kasi agad-agaran ang desisyon ni dok edi sana may napag sabihan pa si nanay na manlalaot na mag papahatid kami ngayon. Subalit, na tyempuhan kasi kagabi na wala ng bangka na namamasada nung araw na iyon kaya heto, nag hahantay na lang kami nang unang lalaot sa ganitong oras. "Nilalamig ka ba?" Tanong nang aking katabi, malugod naman akong umiling sa kanya dahil may suot akong jacket at kumot kaya imposibleng matablan ako ng lamig. "Ako nilalamig, can you warm me up maya" Malambing

