Prologue
26 years ago,
"Ichi, kailangan mo ba talaga gawin ito? Meron pa namang paraan eh para maitaguyod ang ating pamilya."
"Kahit hindi ko man gustuhin kuya, kailangan. Hindi na sapat ang kita natin upang maibili si mama ng pagkain."
"Pero ichi, paano kung mapahamak ka sa gagawin mo?"
Agad akong napahinto sa aking pag iimpaki nang lingunin ko ito, halata sa kanyang mga mata na nag a-alala sya, pero sino ba naman ang hindi? Bilang isang bunso sa aming dalawa at sya ay nakakatanda, mas g-gustuhin pa nya mag pursigi nang sobra kaysa sa umalis ako at sumabak sa gera.
"Kung mangyari man iyon handa na ako, basta ipangako mo lang sakin kuya a-alagaan mo si mama at lalo na ang sarili mo."
Taimtim ko itong tinignan at sakto ang aking pag tapos sa impake habang nag b-bigay bilin sa kanya, halata sa itsura nito na hindi ko sya nakumbinsi, pero dahil matagal na kami nag sama sa iisang bahay, ay mas pinili na lang nyang tumahimik dahil alam na nya ang ugali ko.
Isang tapik sa balikat na lang ang aking nabigay bago bumaling kay mama upang halikan ito sa noo, hindi na rin kasi ako sigurado kung may susunod pa na araw na makita ulit sila o ito na ang huli.
Kahit mabigat ang pakiramdam at unting-unti nang nilamon ng lungkot, mas minabuti kong hindi na sila lingunin pa at tuluyan nang lumabas sa bahay.
Isa akong magiting na sundalo ng pilipinas, simula bata pa lang ay nakikitaan na sa aking katawan ang pagiging maliksi at malakas, kumpara sa aking nakakatandang kapatid, tila hindi nito kayang gumawa ng masama, kahit ang pag patay pa nga lang ng insekto at makakita ng dugo ay parang mangiyak-ngiyak na ito sa awa at takot.
Ngunit, hindi lang naman sa sarili kong pag t-tyaga kung bakit may ganito akong anking lakas. Kundi naimana ko rin ito sa ang aking lolo na magiting na empire ng espanya. Pwede ko ipag mayabang na may angkin kaming kayaman at kapangyarihan upang makipag sabayan sa karahasan ng mundo.
Subalit, simula nang pinaslang ang aking itay at iba pa namin mga angkan, mas minabuti ni mama na itakas kami sa isang bangungot na hanggang ngayon dala-dala pa rin namin.
Isa namang pilipino ang aking ina, kilala ang pamilya nito bilang taga pangalaga sa aming bayan, kaya ito rin ang dahilan kung bakit sila nag kakilala nang aking itay. Kahit papaano ay may alam ito sa gawain bahay at itinuro sa amin, dahilan upang naisalba rin namin ang aming sarili sa pag hihirap.
Ngunit dahil sa sitwasyon na iyon, hindi ito naging madali upang tuluyan maitaguyod aming buhay, katulad nang nakasanayan namin noong kami'y bata pa lamang.
**********
"Fire!!!"
Booomm!!!
Ratatatatatt!!!!!!
"Aaughh!!!"
"Lieutenant!"
"Keep firing!!"
Ratatatatattt!!!!!!
"We need back up!!!"
Shit! Bakit wala man lang nag signal na may ambush pa lang nagaganap!
Singhal ko sa aking isip habang minabuti itago ang aming katawan sa nakataob na lamesa kasama si lieutenant carpio.
"L-listen, i-ichi you m-must need to live"
"What are you talking about sir? We, must need to live!"
Bubuhatin ko na sana ito upang makaalis sa tent namin, ngunit agad nya rin akong hininto na doon ko lang napansin ang unti-unti lumalabas na likido ng dugo sa kanyang bibig.
"I-i'm afraid, I can't, y-you must go ichi..."
"Please don't say that lieutenant!"
Pag mamakaawa ko rito, pero ngumiti lang ito sakin at napa-ubo pa sa harap ko.
Rinig na rinig pa rin sa paligid namin ang mga paputok na nang gagaling sa baril, pero hindi ito naging hadlang upang marinig sya nang mabuti.
"R-remember what I tell to you? My e-elaine p-please take care of her..."
"N-no, w-we're going home, please bear with it."
Nanginginig kong pag mamakaawa sa kanya pero umiling lang ulit ito, at napansin kung may kinukuha sya at ngayon ay hawak na nya ang bomba sa kabila nyang kamay.
"Y-you..m-must g-go..they're c-coming..b-bring the map."
Naluluha kong pag tanggi, hindi ko kaya, kahit p-paano ay matalik ko rin itong kaibigan, kaya isipin pa lamang na mawawala ito sa harap ko ay tila napaka hirap.
Pero wala na akong na gawa nang sigawan ako neto at ginamit ang natitirang lakas upang ihagis ako sa likod, na sakto ang aking pag kawala ng balanse at nahiga sa damuhan kasama ang mga papel na syang plano na ruta sa camp nang mga kalaban.
Binigyan pa ako nang huling ngiti neto bago tinanggal ang pin ng bomba na sumakto ang pag dating nang mga kalaban, kaya nasama ang mga ito sa pag sabog saking harapan...
Pigil ang aking sarili sumigaw at tahimik na nag dadalamhati sa aking nasilayan, ramdam ko rin ang halu-halong reaksyon sa aking kalamnan at hindi nakatulong ang amoy na nang gagaling sa usok at mga dugo na walang hiya nag si talsikan sa paligid.
Mga ilang minuto pa ako naka tunga-nga sa aking pwesto nang maisipan kong umalis at bumalik sa main camp, pero maya-maya lang agad akong napahinto nang may narinig akong nag s-salita sa sulok.
"We apologize sir, the plan of getting the map is failed."
"What! How did it fail!?"
"We hear that they bomb the tent sir, at nanduon po lahat nakalagay ang mga plano."
Naisipan kong silipin sila upang kahit papaano ay alam ko kung sino ang mag babayad sa kanilang ginawa, pero laking gulat ko na lang na isa sa aming kakampi ang kausap nang aming mga kalaban...at hindi lang ito basta kakampi kung ituring, kundi isa rin naming matalik na kaibigan ni carpio.
Paano nya nagawa ito?
Hindi makapaniwala kong tanong saking sarili at mabilis umalis sa lugar na iyon upang ibalita ang mga nangyari...
*******
After 10 months, tuluyan nang natapos ang himagsikan laban sa mga hapones, hindi ko masasabi na panalo kami, pero hindi rin talo. sapagkat tila parang napag kasunduan ng pilipinas na humingi ng tulong sa amerika kaya dahil doon ay napilitan sumuko nang mga hapones at sa araw na iyon doon ulit namin naranasan ang aming kalayaan.
Naisipan ko munang mag pahinga nang tatlong araw, lalo na't hindi pa magaling ang aking sugat na natamo.
Ngunit nang lumipas na ang tatlong araw, masaya akong lumuwas sa camp at agad umuwi sa aming lugar, tila'y hindi ako mapakali saya, kung iisipin pa lang na makita ulit ang aking pamilya, dahil ang tagal ko rin nawala sa piling nila, pero pasalamat na rin sa diyos dahil binigyan pa ako nang pag asa na makita sila.
Pag pasok sa aming baryo, agad kong ikinataka kung bakit walang katao-tao dito at tila ang mga bahay ay wasak at nab-bahiran ang mga dingding ng dugo.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras nang agad kong takbuhin ang daanan papunta samin habang na nanalangin na sanay ayos lang sila, ayaw ko man siguraduhin ang aking naiisip pero parang sapat na ang aking nakikita upang ibulaslas nang aking utak na, nadayo rin ang aking lugar nang mga kalaban.
Pero tila hindi naabot kay bathala ang aking panalangin, nang bumungad sakin ang aming tahanan na sira-sira.
Wala sa sariling na bitawan ko ang aking dala at parang naparalisa sa aking pwesto, kung titignan pa lang ang paligid tila akin na naririnig ang mga sigaw nila dahil sa puot at sakit.
Kahit natatakot sa madidiskubri, sinubukan ko pa rin pumasok at sa aking pag lakad klarong klaro saking paningin ang mga natuyong dugo sa sahig at ang gutay-gutay na damit, na hindi ako nag kakamali, pag m-may ari ito ni mama.
Pinipilit kong iwaksi ang aking naiisip habang napa higpit ang hawak ko sa damit neto. Tama, alam kong nasa mabuting kalagayan sila lalo na't maraming beses na rin kami nakaranas nang ganitong sitwasyon.
Kahit kinakabahan at mabigat ang pag hinga na tinatakahak ang daanan, papunta sa kwarto ni mama, taas noo pa rin akong nakatingin sa harapan.
Pero ganun na lang din ang pag hinto saking lakad sakto sa pintuan, nang mapansin ko ang madaming bote ng alak sa lapag at hinaluan pa nang mga droga.
Tikom ang bibig at pigil na pigil ang gustong lumabas na aking kinain kaninang umaga, nang unti-unti ko masilayan ang aking ina na walang malay at hubo't hubad na nakagapos ang dalawang kamay at paa sa mag kabilaang gilid ng kama.
Klaro pa saking paningin ang mga sugat at pasa neto, halos sa buong katawan nya at kahit ang maselan parte neto ay hindi pinalagpas na tila halo-halong sigarilyo, syringe at bote ang isinalpak.
Nang hihina ko itong nilapitan, kahit masangsang na ang amoy ay hindi ko ito ininda basta't maialis ko lang sya sa pag kaka gapos nya at takpan ang kanyang katawan na malamig na at matigas.
"M-mama!!"
Hindi ko mapigilang daing nang mayakap ko ito nang tuluyan, ang matagal ko nang hinihiling ay akin na rin natupad, subalit imbis na mainit at masarap ang aking nakuha, isang malamig at puot na sobrang sakit ang bumungad sa dati kong naging tirahan.
Mga ilang oras na ang lumipas ay naka kulong pa rin sa aking bisig ang katawan nang aking ina, habang ako ay nakatingin lang sa kawalan at ramdam ang panunuyo nang aking luha, iniisip kung pati rin ba ang pinaka mamahal kong kapatid ay binaboy nila bago patayin.
Hindi rin naman nag tagal ang malalim kong katanungan nang may nahagip akong tela sa labas. Naisipan kong buhatin na si mama at bigyan sya nang maayos na libing upang lapitan na rin ang aking nakita.
Habang nag uukay, hindi ko mapigilan mapaisip kung tama ba talaga ang aking hiniling na bigyan ako nang pag kakataon mabuhay upang makasama silang muli o dapat namatay na lang upang hindi na ito matuklasan pa.
Taimtim kong pinagdasal ang aking ina nang tuluyan ko na itong malibing, kahit labag sa loob na umalis muna sa tabi nya ay ginawa ko pa rin, dahil mas kailangan kong malaman kung tama ba ang aking nakita.
Mabilis ang aking pag lakad sa aking paroroonan habang mariin lang nakatingin sa tela na nasa sahig, nang malapitan ko ito ay marahas ko itong kinuha, kasabay ang malamig na hangin na dumaplis sakin katawan.
"Lotus..."
Bulong ko sa ere, na agad rin nag silabasan ang lahat nang ala-ala na matagal ko nang binaon sa limot.
Ilang taon na rin ang nakakalipas nang mangyari ang masalimuot na kaganapan sa sarili naming tahanan dahil sa nag m-may ari ng tela na ito...
Ang akala ko'y hihinto na sila sa karumal dumal nilang gawain kapag kami ang kusang nag laho, pero akala ko lang pala, kung tama nga ang hinala ko na sila ang may pakana nang lahat ng ito...
Agad bumuo nang desisyon ang aking utak, kung dati ay tinatakbuhan namin sila upang makaiwas sa gulo, ngayon ako na ang kakatok sa kanilang pinto at sapilitan pag bayaran sila sa lahat nang ginawa nilang kagaguhan sa aking pamilya at pati na rin sa aming angkan...
"ipapakita ko sa kanila ang naisilang nilang demonyo at ipaparamdam ang galit at sakit ng doble, kumpara sa sitwasyon ko ngayon."
Bulaslas ko na pangako sa paligid, habang ramdam ang dumadaloy na pag hihiganti sa katawan at nag hihinagpis ang dalawang galit na mata na patuloy ang pag luha habang nakatingin sa kawalan.
--------
mashiro99~