Chapter 1: Mateo

1109 Words
Present day... "Langit, lupa, imperno! Im-im-imperno! shakshak puso tulo ang dugo, patay, buhay umalis ka na dito!" "Yes!!"  Hiyaw nang matabang bata nang ito'y maturo. "Tara buboy! Halika na dito sa langit para di ka mahuli!" Sigaw nang kanyang mga kalaro na swerteng nakaalis rin sa pagiging taya. Napakamot naman ng ulo ang isang bata na sya ang lead, nang mapansin nitong dalawa na lang silang natitira. Hmm, mukhang ako na naman ang magiging taya ah? Hindi mapigilan nitong sabi sa kanyang sarili, habang nakatingin sa katapat nya, na masuri rin syang tinitigan kahit ang uhog nito ay sumisilip na rin sa ilong. Makulimlim ang araw sa gitna nang dapit hapon, kaya tila'y isa itong tamang oras sa mga bata na nag lalaro. Maliban sa kanila, meron rin matatanda at mga binatilyo ang sumulit sa ganda ng panahon. Ang pinag kaka abalahan nang mga nakakatanda ay mag kumpulan sa ilalim ng puno ng mangga, habang nag h-hasik nang kani-kanilang nasagap na balita at kwento sa kabila pang bayan.  Ang mga binatilyo naman ay masayang nag lalaro ng football gamit ang bola nila na gawa sa niyog. "ang galing-galing mo talaga mateo!!"  "kyaaah! mateo ang gwapo gwapo mo!" "mateo! mateo! mateo!!" Iilan lang yan na naririnig sa paligid galing sa mga nag kumpulan na dalaga sa parihabang upuan. Mas lalo pang lumakas ang tilian nang tignan sila ng binata at binigyan nang matamis na ngiti, kahit na ito'y pawisan ay parang presko pa rin sa kanilang paningin ang lalaki, kumpara sa iba, na kanilang ikinaka ingos kapag hindi nila ito sadyang matapunan nang atensyon, na tila ba'y may nakakahawang mikrobyo ang mga kasamahan ni mateo. "Teka! pahinga muna!"  Suhestyon nang isang kakampi ni mateo na agad naman nilang sinang ayunan, hindi pa man nakakarating sa upuan ang gwapitong binatilyo ay agad na sya pinag pyestahan nang mga nanunuod sa kanya at may kanya-kanya pa silang dala na mga bagay upang maibigay lang ata dito. "Mateo pawisan ka na, ako na mag pupuna--aray!" "Baka mag kasakit ka yan mateo, kailangan mo na rin mag palit ng damit, oh ito suuti--aww!" "Mateo ito oh tubig, baka nauuhaw ka mahirap na baka ma dehydrated-----aray ano ba nakakasakit na kayo ah!" Wala sa oras na napailing na lang ang binata sa nas-subay-bayan nya sa kanyang harapan, na kahit ang mga kaibigan noto ay natawa na lang, dahil tila parang hindi na bago sa kanilang paningin ang nangyayari ngayong alitan nang mga dalaga na hindi pa tapos mag tulakan upang mapag silbihan lang ang kanilang idolo sa, ISLA BITWIN. " Wala talagang araw na pinapalampas ang mga kababaihan dito sa bayan natin upang mag papansin lang sa ating tropa, ano bay!" Nakangiting himutok ni Pedro na syang salarin upang makapag pahinga sila. Agad naman sumang ayon sa kanya si Juan na patuloy lang nakatingin sa kaibigan nilang si Mateo na napapa kamot na sa kanyang ulo, na tila ba'y hindi na nito alam ang gagawin. "Kuya pedro! kuya juan!"  "Oh, ikaw pala bata, bakit?" "Si kuya mateo po asan?"  "Sba, mukhang sakto ang dating mo ah!" "Bakit po?" Mabilis na pag tataka ng salarin isinagot nang kanyang kausap, pero imbis na ipaliwanag ni juan ang kanyang sinabi ay itinuro na lang nya ang taong hinahanap ng bata, na agad din nito sinundan. "Kuya mateo!" Agad naman napalingon ang binatilyo sa tumawag sa kanya at agad napa silay ang ngiti na para bang may pinapahiwatig. "Totoy ikaw pala, bakit?" Bungad na tanong ni mateo nang makalapit ito kay totoy na inosente lang rin nakatingin sa kanya, pero agad din bumaling sa likod nang mapansin nito ang mga mukha ng babae na kasama lang nang kanyang kuya ay nakabusangot na ang mukha, na kung kanina lang ay parang abot hanggang tenga ang kanilang mga ngiti, kahit pilit. "Tawag na po tayo ni nanay kakain na daw po." "Ganun ba, osige, salamat din at dumating ka" Bulong ng binata sa huli bago ito lumingon sa kanyang mga tropa at kinuha ang dala nyang bag. " Sa linggo na lang ulit mga pare, tinatawag na ako eh."  Swaveng paalam nito sa kanyang mga kasama na isang tango lang naman ang binalik sa kanya. ******* "Nay! Nay! nandito na po kami." " O mabuti naman at nandito na kayo, eh si hunyo nasaan?" "Nandito na rin po nay!" "Osya mabuti naman at nandito na kayo, akala ko kailangan ko pa kayong sunduin ng pamalo---teka! bakit ang dungis dungis mo hunyo!?" Baling nito kay hunyo na sobrang dumi ang damit at short, na pati rin ang kanyang buhok ay namuti sa sobrang daming buhangin na parang pinaligo ito sa kanya.  "Nag laro lang naman kami sa pangpang nay, tapos ako po taya." kamot ulo nitong paliwanag habang si totoy ay hindi mapigilan ang pag tawa, sinamaan nya tuloy ito nang tingin.  "Hay nako ka naman bata ka, ilang beses ko bang sinasabi sayo na hindi tubig ang buhangin?" "Eh, oo nga po nay hindi ko naman ito binuhos sa katawan ko eh." "Oh, eh bakit may buhangin yang ulo mo?" "Nag pagulong-gulong lang po." Wala sa oras na napa hawak na lang sa sintedo ang ina ni hunyo dahil sa sagot nito, habang si totoy ay mas lumakas pa ang tawa na kahit ang kasama nyang binata ay napangiti na lang sa kakulitan nito. "Linisan mo na nga yang katawan mo habang hindi pa nag babago ang isip ko na ipang k-kuskos ko talaga tong pisnet na hawak ko sa katawan mo, sinasabi ko sayo!" Gigil na utos ni nay sable, na agad naman sinunod ni hunyo, takot nya lang sa pisnet. "At ikaw totoy! tulungan mo na ako mag handa dito, at nang masundo mo na rin si ate maya mo." "A-asan po si maya, aling sabel?" Agad na tanong ni mateo nang biglang pumantig ang tenga nito sa kanyang narinig at agad napaayos nang tayo. "Ah nandoon sa likod, kinakamusta ang kanyang papanim." "Ganoon po ba, s-sige po ako na lang mag susundo sa kanya" Walang paligoy-ligoy na sabi ni mateo, na ikinatingin ni aling sabel sa kanya sabay binigyan ito ng ngiti. "Sige Iho." Mabilis naman umalis ang binata upang suduin ang dalaga, na hindi naman siguro halata sa kanya na may pagtingin ito dito..hindi nga.. Habang nag lalakad hindi nya mapigilan mapangiti sa paligid, isipin palang nya na masisilayaan nya ulit si maya ay parang feeling nya na nabuo na ang araw neto. kahit na maraming tao ang handa na gawin ang lahat upang mapasaya lang sya, ay tila parang kakaiba pa rin ang epekto nang prisensya ni maya. Inayos na muna ng binata ang kanyang suot nang makarating na ito sa kanyang kinaroroonan, at pinlastar ang pinaka maganda nyang ngiti sa labi, bago pumasok at bungaran ang nakatalikod na babae na tila'y abala sa kanyang ginagawa. "Maya" Malambing nyang tawag na ikinalingon ng dalaga, kasabay ang pag singit nang hangin sa pagitan nilang dalawa. Malaya tuloy natung hayan ng binata ang pag hawi nang magandang buhok sa mukha nito, hudyat na naging klaro rin sa kanyang paningin ang binibigay na titig ng dalaga sa kanya... -------- mashiro99~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD