Chapter 2: Maya

1216 Words
Mateo POV "P-pinapatawag na tayo, kakain na daw" Hindi ko mapigilan mautal sa harap nya, para kasing lagpas hanggang kalamnan ang titig na binibigay nito sakin na syang dahilan rin kung bakit hindi ako makagalaw saking pwesto, nadagdagan pa nang sumilay ang kanyang mayuming ngiti, bago nya itinuon ulit sa harapan ang kanyang atensyon. "Tapusin ko lang muna ito saglit, maupo ka muna dyan mateo." Pag gising nya sakin kahibangan na literal sinapo ko ang aking noo, nag babaka sakali umayos na ang aking sarili.  Sinunod ko ang kanyang alok pero imbis na sa upuan ako dumiretso ay nilapitan ko ito at ngayon masuri kong tinitignan ang pinag kaka abalahan nya. "Anong tinatanim mo?" "Kamatis" "Parang nung isang linggo lang sibuyas ang iyong tinanim, balak mo bang kumpletuhin ang mga gulay sa bahay kubo na kanta?" Aking pahayag saka napangiti nung tumawa ito nang mahinhin saking harapan, kahit na nasa lupa pa rin ang kanyang atensyon. Basta, parang boses pa lang nya ay sapat na sakin. "Kung pwede lang, oo naman, pero hindi rin kasi kumpleto ang mga butong tinitinda sa bayan, kaya hanggang sana lang ako." Paliwanag nito habang maingat nyang nilalagay ang buto sa lupa, sabagay hindi rin pala maitatawag na barangay ang isla na kinatatayuan namin ngayon, dahil malayo talaga ito sa literal na lungsod, na kailangan pa tumawid sa gitna ng dagat ang mga nag titinda dito upang makakompra. "Tulungan na kita." Suhestyon ko nang aking mapansin na nahihirapan ito sa kanyang pag hukay, at hindi sadyang nadaplisan ko ang kanyang kamay kaunti, kaya agad nag paramdam ito nang kuryente sa aking budhi. "Salamat" Pagka raan nyang, na mabuti na lang ay hindi nya napansin ang aking inakto, kaya kumilos na lang ako agad sa aking gagawin. Kung anu-ano ba naman kasi iniisip mo, baka mailang sayo si maya kapag di ka pa nagtino. Bilin ko saking sarili, habang palihim na nilingon ang aking katabi na malayo na pala sakin, dahil sa pag lalagay nya ng buto sa mga butas na ginawa nya ata kanina. "Ah, maya pati na rin ba ang mga ito ay ibabalik ko na ang lupa?" "Ah oo, pero ako nang bahala dyan." "Hindi na ako na lang, magaan lang naman na gawain ito." Aking pangungulit, at upang hindi na ito makapalag pa ay agad ko nang pinag patuloy ang aking pag tulong... ****** "Maraming salamat ulit mateo." "Wala iyon." Taimtim na namin tinatahak ni maya ang daanan papunta sa bahay ni aling sabel, kahit tahimik ay hindi ko naman nararamdaman ang pag kakailang namin dalawa, kaya naisipan ko syang suriin palihim na nakatingin lang sa kanyang harapan, subalit maya-maya pa ay nilingon rin nya ang mga nag kakantahang ibon. Maya Cannova, ang kumpletong pangalan nang aking kasama, sa pangalan pa lang nya ay bagay na bagay na sa kanya, tila ba'y kung ito'y iyong maririnig, parang agad mong masasabi sa iyong isip na isa itong mayumi at mahinhin na babae. Hindi lang naman ako ang nag sasabi yun, kundi pati na rin ang karamihan na nakatira dito sa baryo. Kung sya ay akin pang ilalarawan, ito ay merong hanggang balikat na buhok, kulay itim at parang malambot hawakan dahil sa kintab na binibigay, kahit na hindi mo man ilapit ang iyong ilong, amo'y na amo'y mo na ang halimuyak na kanyang anking bango. Hindi naman siguro ako nag m-mukhang mahalay sa sinasabi ko diba? Dahil, kung sa totoo lang kulang pa ang aking inihahayag upang tuluyan nyong makilala si maya, in short napaka perpekto nitong dalaga para sakin! Katamtaman lang ang kanyang katangkaran, hanggang balikat ko lang ito kaya, kung sakali ay mangalay sya, handa akong ipahiram sa kanya ang aking balikat upang mag karuon lang ito ng sandalan, pag dating naman sa kanyang kutis, hindi ito ganun kaputi at kaitim, isa syang kayumanggi, ngunit ito'y makinis na tila'y hindi pa sya nababahiran ng sugat. At ang pinaka nakakamangha na nasilayan ko sa kanya ay ang kanyang mata, ilong at labi. Kung titignan mo sya nang saglitan parang hindi ka pa madadala, pero kapag tumagal-tagal hindi ka na nya papatulugin pa, dahil maalala mo lang naman ang kanyang itsura, iyon kasi ang nangyari sakin nung unang kita ko pa lamang sa kanya. "Nay, nandito na kami." Tawag atensyon ni maya na hindi ko namalayan nakabalik na pala kami, nasobrahan ata ako sa pagtitig sa kanya, pero buti na lang hindi ako nilingon nito. “Totoy, asan si nanay?” Kanyang bungad nang makalapit kami sa dalawang bata na masaganang kumakain, pero si aling sabel ay wala rito. "Nasa manggahan sinusundo si lolo kaloy." "Ganun ba, puntahan ko lang muna." Anas ni maya na agad ulit lumabas na nakalimutan atang may kasama sya, at ako iyon. kaya ikinakamot ko ng ulo ito, pero sinundan ko pa rin sya dahil mahirap na at baka mapahamak. "Mang kaloy, sige na kumain na po muna kayo at ibabalik ko agad kayo dito." Bungad samin ang pag k-kunsinte ni aling sabel kay mang kaloy, pero hindi pa rin na tinag ang lalaki. "Hindi pa naman ako gutom sabel, sige na wag mo na ako alalahanin." "Pero mang kaloy, baka malipasan kayo nyan, sige ka paano mo na maabutan yung hinihintay mo kung mag kakasakit ka?" "Nay, ano po nangyayare?" "Ah ikaw pala maya, ito kasing tatay mo ayaw pa kumain eh." Sumbong ni aling sabel kay maya na nakalapit na kay mang kaloy sabay nilingon nya ito. "Bakit po ayaw nyo kumain tay?" "Hindi pa kasi ako gutom anak." "Siguro po kaya nyo lang nasasabi yan dahil may iniisip kayo." Taimtim na lang namin tinignan ni aling sabel ang pag uusap nilang dalawa, kahit wala akong alam na ditalye ay tahimik pa rin ako nag hintay. "Meron, pero hindi pa rin nag bago iyon." "Yun po ba yung, hinihintay nyo ang pag balik nya?" "Oo anak, Tatlong taon na rin kasi ang naka lipas nang mamalagi sya dito, at mabuti nga ay binibigyan pa ako nang pag kakataon ng diyos mag hintay." "Kung ganoon po, bakit ayaw nyo pong kumain?" Natahimik si mang kaloy sa tanong ni maya, pero maya-maya lang ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi at ininat pa ang kanyang braso upang hawakan sya, agad naman inabot ni maya ang kamay neto at umupo sa kanyang tabi. "Hindi ko na itatanggi anak, nawalan lang ako nang gana ngayon kumain dahil sa aking iniisip, na baka hindi na talaga sya babalik." "Hindi yan mang kaloy, babalik ang batang iyon, lalo na't pinangakuan ka nya noh!" Singit ni aling sabel sa kanilang usapan at tumango naman si maya bilang pag sang ayon. "Tama rin po ang sabi ni nanay, paano kung dumating yung araw na bumisita sya? pero ang masasalubong nya ay hindi maganda ang kalagayan mo, hindi po ba't malulungkot sya yun?" Dugtong ni maya sa sinabi nang kanyang inay na tila napaisip si mang kaloy, kaya maya maya lang ay kusa na itong tumayo at nakangiting niyaya na kami bumalik sa bahay. "Mabuti naman at nakumbinsi mo sya anak." Masayang pahiwatig ni aling sabel kay maya na ikinangiti naman nito. Ang ganda talaga nya. "Wala po iyon nay, pero matanong ko po kayo...asan na nga po pala yung taong hinihintay ni tatay?" "Ah, si candice? Wala na akong alam kung saan nalagi ang batang iyon eh, pero ang bali-balita sa lungsod, kilalang-kilala na daw iyon na magiting na doctor sa bansa natin at sa iba't-ibang lugar, kaya siguro wala pa syang oras upang dumalaw dito." Paliwanag ni aling sabel sabay napatingin kay mang kaloy na nauna sa amin, ikinasunod naman namin ito ni maya, kaya taimtim namin napag masdan ang likod ni mang kaloy na patuloy ang pag lalakad habang hawak-hawak ang kanyang sangkay. --------- mashiro99~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD