Agad ko naman nang tinupad ang aking pangako kay sora, nang aking mahabilin sa katulong na bantayan ang baby, upang dali-dali akong bumalik sa kwarto ni za yo. Na kung saan ko sila naiwan dalawa, sakto naman na may mga tao na ang nag liligpit dito, pero bago pa man masakay nila sa sasakyan ang bangkay ni sora ay agad ko silang sinabihan na iwan ito. Habang kay za yo ay hinayaan ko na lang dalhin. sapagkat, nasabi sakin ni sun na ililibing nya sila moon sa libingan nang mga lotus clan kasama ang aking kapatid. Kahit papaano ay mabuti na iyon na mag kasama sila ni moon sa huli, baka kasi multuhin ako pag pinag hiwalay ko sila eh. Agad ko naman iniutos sa mga tauhan na dalhin ang bangkay nang aking mahal sa secret lab ko. Na kung tanda nyo pa kung saan kami unang nakatira ni za yo. Hind

