Candice POV "L-lets sleep." Agad kong pag tayo saking pwesto upang kusa na rin punasan ang taksil kong mga luha. Malugod naman itong sumunod saking sinabi, subalit naka sunod lang ito saking likudan kaya tahimik lang namin binabaybay ang daanan. Pagka pasok sa loob maingat kaming nag lakad papunta sa kwarto, upang hindi madistorbo sila nay sabel na mahimbing na natutulog sa sala. Nang tuluyan maka pasok, narinig ko pa ang dahan-dahan na pag sara ni maya sa pinto. "Saan ako pwede mag hot bath?" "N-nasa labas ang aming cr." "Is that so?" "Oo eh, kung gusto mo samahan na lang kita pag punta doon, tara." Agad nyang pag aya na tila'y napansin ko pa ang pag hahanap neto ng flash light sa kanyang gamit. "No need, sa tingin ko bukas na lang dahil pagod pa rin naman ang aking katawan."

