"Ito pa oh, tikman mo rin toh." "Ito rin, masarap yan." "Paka busog ka lang sora ah" "Ito oh tubig, baka mabulunan ka" Walang katapusang pag lingkod ni za yo sa walang magawa na prinsesa kung hindi tanggapin na lang ang alok neto. Habang ako ay taimtim lang kumakain, at ineenjoy ang mga nasa hapag kainan. Masarap kasi ang ulam ngayon, sadyang hindi ko lang talaga nalasahan kanina nung naka busangot si za yo. Lalo na yung pira-pirasong karne tas inihaw, kaya ito ang bilis kaagad naubos sa plato ko ang aking kinuha. Tutal tapos na rin naman sila aling mira kumain kaya pinahintulutan kaming ubusin ang mga pagkain na naka handa. Nang aking mapansin na iisa na lang ang natira sa karne ay naisipan ko nang kuhain toh. Kaso nang mahawakan pa lang ito ng chopstick ko ay pwersahan nahulog

