Tulad nang aking sinabi, agad na kami ni lipat ni tito za ru nang tirahan, subalit hindi ko man lang inaasahan na sobrang layo pala nang lilipatan namin. Na tipong kailangan pa sumakay sa barko upang makarating lang sa lugar na ito. Halos lahat din nang nakapa libot dito ay malalaki ang mga puno at iilan na mga damo na kapag ikaw ay nawalan nang balanse sigurado akong di ka pa rin masasaktan sapagkat may nakahanda ng damo ang sasalo sayo. Tahimik lang naman namin sinusundan ni zayo si tito zaru na nauuna samin mag lakad. Ang akala ko ay malayo pa ang tatahakin namin, pero nang mapansin kong may nakita na akong dalawang bahay, ay tila naisip kong nandito na kami, at hindi naman ako nag kamali nang lumingon samin si tito at kanya kaming nginitian. "Ano sa tingin ninyo?" Anas nya, sabay

