Mateo POV
"Tao po, aling sabel nakabalik na ako!"
"Oh mateo, salamat talaga sa pag buluntaryo mong pumunta sa bayan ah."
"Ayos lang po aling sabel, ito po pala yung pinabili nyo"
Maingat kong abot sa dala kong plastik na may mga laman hilaw na ulam, Masaya naman nitong kinuha ni aling sabel at balak pa sana akong bayaran sa aking ginastos, pero agad ko itong tinanggihan dahil may dinaanan rin naman talaga ako sa bayan.
"Maraming salamat talaga iho"
"Ayos lang po aling sabel..ah si m-maya po pala?"
"Ah andun ulit sa likod, bakit?"
"I-aabot ko lang po sana itong dala kong seeds"
Sabay pakita ko saking dala at tumango lang naman ito bilang sagot.
"Ganun ba iho, puntahan mo na lang sya sa likod at ako'y mag luluto na, dito ka na lang ulit manang halian ah."
"Sige po aling sabel"
Aking masayang tugon bago umalis upang dumiretso sa likod ng bahay nila. Naisipan ko rin kasing bilhan si maya ng seed ng bawang at luya dahil parang ito na lang ang kulang sa kanyang hardin. Mabuti na lang at bigla itong lumabas sa utak ko nang ako'y mapabaling nang tingin sa aking paligid at sakto nakita ang bentahan nang mga plant seeds.
Sa aking pag lapit ay as usual natagpuan ko ulit itong abala sa kanyang pananim, pero kahit likod nya lang ang aking nasisilayan ay tila hindi ito nababawasan sa kanyang alindog.
Minabuti ko nang lapitan sya agad, bago pa makapag isip ang utak ko nang kung anu-ano.
"Magandang umaga, maya"
"Magandang umaga din mateo"
Kanyang bati nang lumingon ito sakin, ngunit saglit lang iyon dahil binalik nya ulit ang kanyang tuon sa harapan.
" Ito oh"
Marahan kong abot sa aking dala nang ako’y makalapit dito.
"Ano ito?"
Tanong nya habang maingat nya itong kinuha sabay sinilip ang laman.
"Naalala ko kasi nung isang araw ang iyong sinabi, at napansin kong dalawang gulay na lang ang wala dito sa hardin mo kaya naisipan ko nang bumili nang pumunta ako sa bayan."
"Maraming salamat mateo nag abala ka pa."
Nakangiti nitong sabi habang ito ay tumayo sa kanyang pag kaupo, pinag masdan ko lang ang kanyang kilos pero laki ang aking gulat nang hindi ko inaasahan na binigyan nya ako ng yakap.
Natuptop tuloy ako sa aking kinatatayuan at tila nanigas ang katawan. at kung kailan nagising na ako sa pag kabigla at gaganti na rin sana sa yakap eh doon naman ito kumalas.
Sayang!
Hindi ko mapigilan anas sa aking isip at pasimple na lang hinagod ang aking buhok upang matakpan ang pagka pahiya.
"Pumunta ka pala sa bayan, hindi ka man lang nag yaya"
"Eh pasenysa na, sa tingin ko kasi tulog ka pa nang mga ala singko ng umaga kaya hindi na ako nag abalang bumisita sa inyo."
"Sabagay, pero araw-araw ka bang pumupunta sa bayan?"
"Hindi naman tuwing sabado at martes lang."
"Ganun ba, inom ka muna oh."
Alok nya sakin na tubig na malugod kong tinanggap nang makarating kami sa kanyang sinisilungan at naisipan munang umupo dito upang pag saluhan na rin ang baon nyang pandesal na sigurado akong binili nya ito kay mang coco.
"Sa sabado, pwede ba akong sumama sa iyo?"
Masuri ko itong tinignan nang marinig ko ang kanyang sinabi, nakatingin lang ito sa kanyang hardin habang hawak ang kanyang baso.
"Pwede naman, pero hindi ka ba mahihilo kapag sumakay sa bangka?"
Agad naman itong umiling sakin tanong at uminom ng tubig.
"Osige sa sabado s-sunduin kita."
Kita ko ang pag silay nang kangyang ngiti sa labi nang pinayagan ko ito, nakaka pagtaka siguro kung bakit ganto ang kanyang inaakto ano?
Tanda ko pa kasi noong limang buwan na nakakalipas ay hindi naging maganda ang kalagayan ni maya nung sinama sya ni aling sabel sa bayan, dahil nung pag balik nila ay masuka suka ito at namumutla ang mukha, hudyat na hindi ito sanay sa alon ng dagat, kaya simula noon ay hindi na sya sinasama ni aling sabel.
Kaya siguro ganito sya kasaya dahil mararanasan na ulit nyang pumunta sa bayan na kalahating buwan na rin ang nakalipas.
"Anu-ano ang mga bibilhin mo doon maya?"
"Marami"
"Marami? May ganun bang gamit? o baka pag kain?"
"Wala, dahil marami ang aking bibilhin, nasa listahan ko na ang mga ito."
Pahayag nya sabay pinakita sakin ang maliit nyang notebook na nakalahad saking harapan kaya nabasa ko ang laman neto na marami ngang nakasulat na gusto nyang bilhin.
"Ang dami nga, para saan ang mga iyan?"
"Para sa akin."
Inosente nitong sagot na sabagay tama naman, bakit ko pa pala kailangan alamin yun eh privacy na nya iyon.
Hindi na lang ako nag usisa pa at kinagat na lang ang hawak kong pandisal habang pinag masdan syang nakatingin na sa hawak nyang notebook at tila ma'y malalim na iniisip.
"Nga pala maya, ganyan ka ba talaga katahimik na tao?"
Pabalang kong tanong na aking ikinagulat nang marealize ko ang aking sinabi, lalo na't nakuha ko ang atensyon nya.
"A-ah pasensya na w-wag mo na lang pansinin."
Nauutal kong pag bawi at hindi mapakaling napahimas saking batok sa sobrang kahihiyan.
Ang daldal mo naman self.
Hindi ko mapigilan ingos saking sarili at madismaya lalo na't naiisip na baka na turn off na sakin ang aking kasama at hindi na neto balak pa akong kausapin muli.
"Sa totoo lang marami akong gustong sabihin pero mas minabuti ko na lang kim-kimin ito sapagkat hindi nyo rin ako maiintindihan."
"B-bakit mo naman nasabi yan, eh parang hindi mo pa naman nasusubukan?"
"Simple lang, dahil hindi ko rin ito maintindihan."
Kunot noo tinignan ko lang sya habang ito naman ay nakangiti at napatawa pa.
"Madami akong gustong malaman at maranasan na gusto ko ibahagi sa iba, pero sa ngayon tanging ang mga bata, si nanay at tatay pa lang ang napag sasabihan ko, dahil kung maaari man mangyari ang gusto ko, mas nanaisin ko munang makita ito nang dalawa kong mata, bago ko ibahagi sa mga taong nakapaligid sakin."
"Sigurado akong mangyayari iyon!"
Disedido kong sagot nang matapos ito mag paliwanag, mas lalong sumilay ang maganda nyang ngiti saking harapan na hindi ko tuloy na pigilan ang pag sikdo nang aking puso at rambulan saking kalamnan.
"Paano mo naman nasabi?"
"Dahil sisimulan natin sa bayan!"