Chapter 6: Lihim

1010 Words
Maya POV "Iha, sigurado ka ba talaga na kaya mo nang pumunta sa bayan?" "Opo nay, wag na po kayo mag alala" "Hay naku kang bata ka, sa tingin mo kaya ko iyon? Oh ito gamot, at ito pa, dalhin mo na rin yan, para kung may maramdaman ka man kakaiba eh inumin mo agad yan" Kanyang tukoy sa mga binigay nya sakin, hindi ko naman mapigilan mapangiti dito dahil parang pwede na mag tayo si nanay nang botika sa sobrang daming inabot nito sakin. "Kayo talaga nay, isang beses lang naman ako nag suka noon dahil hindi pa ako sanay." "Eh mas mabuti nang handa para naman pag balik mo ay hindi ka namumutla." Itinago ko na lang sa bag ang mga binigay neto dahil tama rin naman sya, pero sana lang talaga hindi na matulad pa ang dati, para naman hindi na ulit ako pag bawalan. "Sige po nay, pero wag po talaga kayo mag alala dahil kasama ko rin naman po si mateo." "Ay mag d-date kayo anak?" "H-hala, hindi po nay." Mabilis kong tanggi pero parang hindi ito naniniwala, hindi ko tuloy mapigilan pamulahan nang mukha. "Hay naku, ikaw talaga anak alam ko naman na may gusto ka rin dun sa binata." "N-nay naman." Agad kong takip saking mukha dahil ramdam ko ang sobrang pag init neto, lalo na't ramdam ko na rin ang bilis nang t***k nang aking puso. Tumawa lang naman ito saking harapan at buti na lang madaling araw pa, kaya masarap pa ang tulog nang aming mga kapit bahay. "Osya anak, wag mo nang itanggi, alam mo namang nanay mo ako eh kaya basang basa kita." Taas kilay nitong pahiwatig na aking pang ikina-ilang, para kasi akong nahuli na wala naman kasalanan, pero nakakahiya pala talaga kapag may nakaalam sa sikreto mong hindi mo naman pinaalam. "Eh nay, hindi naman po talaga kasi d-date yun" Aking depensa habang di pa rin maalis ang pamumula nang aking mukha. "Oo na, hindi na date." Tok Tok Tok "Oh, andyan na ata ang nobyo mo" "Nay!" Isang mapanuksong ngiti lang ang binalik nya sakin at sya na ang nag bukas ng pinto, habang ako ay pinakalma na muna ang aking sarili upang hindi mag taka ang magiging kasama ko maya-maya lang. Hindi naman lingid sa aking mga kasama na alam nila ang lihim kong pag tingin kay mateo, mabuti na nga lang ay hindi sila ganoon kadaldal kaya safe pa rin ang aking sikreto. "Oh, mateo ah, alagaan mo itong anak ko, naku! dahil kung hindi malilintikan ka sa akin." Aking nabungaran sa kanilang dalawa, sumilay naman ang magandang ngiti nang binata sa sinabi ni inay bago ito lumingon sakin. "Opo naman aling sabel, hinding - hindi ko po sya pababayaan." Anas nito habang nakatingin pa rin sakin, mabuti na lang ay kaya kong itago ang aking nararamdaman, kaya kahit na kinilig ako sa kanyang sinabi ay normal ko lang ito nginitian. "Osige na, humayo na kayo at malapit nang sumilip ang araw." Pag taboy ni nanay sa amin. "Sige po nay, ingat din po kayo dito." Aking paalam bago tuluyan na kaming umalis papuntang pampang.  ******** "Nadala mo ba lahat ang iyong mga kailangan?" "Oo, pang tatlong araw diba?" Kanyang tango bilang pag sangayon, siguro nag tataka kayo kung bakit dalawang araw, hindi kasi ganun kabilis ang pag punta sa lungsod, mga ilang oras din ang tatahakin para makarating doon. Kaya't kapag dadayo kami reto ay sinusulit na namin, tatlong araw ang pinaka matagal bago bumalik sa ISLA BITWIN. "Nasasabik ka na ba?" "Sobra" "Ako rin, mabuti na lang ikaw ang aking kasama." 'Ako rin'  Pahayag ko, ngunit saking isipan lamang, binigyan ko lang ito nang ngiti pero agad din napalingon sa kanya nang kanyang isinukbit ang suot nyang jacket sakin. "S-suotin mo muna yan, baka kasi di mo makaya ang lamig sa gitna ng dagat." "Paano ikaw?" "Ako? Naku, sanay na ako kaya hindi na kailangan." Magiliw nitong paliwanag na akin na lang sinang ayunan at palihim pang sinuot nang maayos ang kanyang jacket bago amuyin ito kasabay na tinago ang kinikilig kong ngiti... ******** Akala ko ba sanay na siya? Hindi ko mapigilan tanong sa aking isip habang taimtim ko lang itong sinuri na sinusubukan itago sakin ang nanginginig nyang katawan. Ngayon kasi ay nakasakay na kami sa bangka at tahimik na nilalakbay ang maalon-alon na dagat habang ang malamig na simoy ng hangin ay tumatama sa aming katawan. Kahit na nilalamig ay nakangiti pa rin ito sakin, na para bang nag papahiwatig na ayos lang sya, subalit hindi naman ako ganun ka ignorante para maniwala sa kanya. "A-ayos lang talaga maya, sadyang may lamok lang." Kanya pang palusot ngunit imbis na pansinin ang sinabi nya, ay agad ko nang binuksan ang dala kong bag at kinalikot ito upang hanapin ang kumot na dinala ko. "Kuhain mo at ipalibot mo sa iyong katawan." Aking paliwanag habang inabot ko ito sa kanya, pero umiling lang sya sakin at itinulak pa ito habang nakangiti. "S-sa iyo na lang maya, mukha kasing kulang pa ang jacket na binigay ko dahil nilalamig ka pa rin." Anas nito at tama sya doon, ngunit kung ako nga ay nilalamig pa kahit may jacket na, paano naman sya? Baka pag dating sa bayan hindi na sya makagalaw. Kaya imbis na makipag talo dito, kusa na lang akong lumapit sa kanya at tumabi, kung ang pinoproblema lang naman neto ay nilalamig pa ako, edi kaming dalawa ang gagamit sa kumot. Walang pahintulot kong pinalibot sa aming dalawa ang aking hawak, habang sya ay pinag masdan lang ang aking ginawa. Nang mapansin kong maayos na ang aming lagay, saka ko lang itong nilingon. hindi ko napansin na ang lapit pala nang mukha naming dalawa kaya malaya kong natanaw nang malapitan ang mga mata neto na para bang nakikisabay sa kislap nang mga bituin sa kalangitan. Alas tres pa lang nang umaga kaya nakasilip pa ang liwanag nang buwan. "May idadahilan ka pa ba?" Aking tanong na syang dahilan kung bakit sumilay pa ang maganda nyang ngiti na akin rin ikinahawa. "Oo, mas komportable at masarap sa pakiramdam." Isang tango ang aking binalik bilang pag sangayon habang ako na ang unang umiwas sa aming pag t-tigan, dahil parang nakakapaso ito at baka matunaw ako nang wala sa oras. Tama sya, parang ang kanina na malamig na hangin, ay nahiya nang sumingit samin dalawa. dahil parang katulad ko, baka mapaso ito sa init nang katawan na nililikha namin ngayon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD