Kabanata 6

1195 Words
Kabanata 6 Sigaw Dahil bago pa lang kami ni Joreen, maaga kaming pumunta ng school. At nang makarating kami sa University Gate, maraming estudyante na din ang nakikita namin. May mga naka uniform at sa tingin ko mga old students ata sila. Kami namang mga transferees, binigyan kami ng isang buwan bago i-require sa amin ang pagsusuot nito. Mabuti na din iyon since hindi pa kami nakahanap nang mapaghiraman o mapagbilhan ng second hand uniforms ni Joreen. Sabay naming ipinakita ang Certificate of Registration sa Guard since wala pa kaming I.D na ipapakita. Tinanguan lang kami ng Guard at nginitian. Napatigil kami ni Joreen sa may bandang hall way. May mga taong naka fatigue at combat shoes na biglang dumaan sa gilid namin. May isang ewan ko kung babae o lalaki ang biglang bumangga kay Joreen dahilan para mahulog ang kinakain nitong Pandesal. Nanlaki ang mata ko sa nangyari at natigilan ako "What the! Who you" nanlalaking mata na sigaw ni Joreen. Napalingon ang mga tao sa amin dahil sa lakas nang sigaw ni Joreen sa nangyari. Napayuko na lang ako at palihim na napamura sa konting kahihiyan. "Gago!" narinig kong sabi ni Joreen at ibinalik ko ang tingin sa kanya. Nakita kong nag-igting ang panga nitong kaibigan ko at parang nagpipigil ng galit. Napailing na lang ako. That was mean. "Mapapatay ko iyon. Pakshet siya! Maliit palang ang nakagat ko nun, Ches. Argh!" pabagsak niyang sabi sa akin. Dahil sa galit ni Joreen, padabog siyang naglalakad at panay ang pagmumura niya nang mahina. May mga tao na sa gymnasium pagkapasok namin. Una kong napansin na mas maraming ang lalake kaysa sa mga babae. Biglang tumunog ang tiyan ko dahilan para mapahawak ako dito. Oh hell. Wala pa pala akong kain dahil sa pagmamadali. Nakainom lang ako ng milo kanina at mukhang kulang pa. Kailangan ko na lang na tiisin ito. Lumunok ako at huminga ng malalim. I can do this. We can do this! Naglakad kami papuntang gilid ng gym kung saan nandoon ang mga babaeng manlalaro katulad namin. Napatingin ako sa hinahawakan nila. Mga water tumbler ang mga ito. At mukhang nakauniporme pa ang mga kulay ng mga tumbler nila. Napatingin ako kay Joreen. Wala kaming ganoon. "Wala tayong ganoon." Aniya sa akin. Nginitian ko na lang siya ng pilit. "We'll buy ours. Soon." It's all I can say for now. Hahanap na lang siguro kami ng water fountain mamaya kapag break na. Napansin ko ding, lahat pala ng mga babae ay naka cycling shorts at kulay puti lahat ng pump shoes nila at hanggang tuhod ang kanilang medyas. Napatingin ako sa sarili ko. O.P ang dirty white kong pumps dahil may kalumaan na ito at naka-P.E pants lang kami ni Joreen na galing pa sa dati naming school. Hindi kami nainform na may dresscode pala dito. "Position everyone!" sigaw ng kung sinong tao sa unahan. Napatingin kami ni Joreen dito. Pinanuod namin ang mga kasamahan naming biglang nag fall into column sa gitna. Nakatayo lang kami ni Joreen sa gilid habang tinitingnan sila kasi wala kaming alam kung saan kami lulugar. The hell with this. This is our first time damn it. Wala bang orientation man lang? "Joreen!" kahit hindi pangalan ko ang tinawag, napalingon ako sa lakas ng boses ng sumigaw. Nakita kong kumakaway si Francis at kasama niya sa gilid niya ang kuya ni Roe na hanggang ngayon ay seryoso pa din ang mukha. Ganyan na ba talaga ang mukha niya? Pareho silang nakabasketball uniform at may number 12 sa gilid ng shorts ni ng kuya ni Roe. Napalingon ako kay Joreen at nakita ko ang pamumula ng kanyang pisnge. Seriously? Ang aga niya atang kiligin? Nang tuluyan na silang nakalapit bigla niyang hinalikan ang noo ni Joreen at inakbayan ito. Mas lalong pumula ang pisnge ni Joreen at umaabot na sa kanyang tenga ang pamumula. Nakita niyang tinititigan ko siya at nginitian niya akong labas ang ngipin niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. Lakas makalandi, ah. Nagbulungan lang ang dalawa at umalis din sila Francis papuntang kabilang side kung saan andoon ang mga lalaking players. "Tatayo lang ba kayong dalawa diyan?" napalingon ako at hinanap ang seryosong boses na parang galit. Nakita kong nakapameywang ang babaeng mas matangkad sa akin at may bangs. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa amin. "What are you doing? Go there and follow what the others are doing!" nanghina bigla tuhod ko. Sobrang lapit niya sa akin pero sinisigawan niya ako. "Sorry po. Hindi namin alam, Ma'am." Mahinang sabi ni Joreen. "Because you are so stupid to ask. Now, go there and follow them. Welcome to my world!" pabagsak na sabi ng babae at saka umalis sa aming harapan. "Cheska." I believe its Joreen's voice. "Hey! BFF! Let's go. Don't mind the b***h. Hindi bagay ang bangs sa kanya." Humugot ako ng malalim na hininga at pinapakalma ang sarili ko. I should be strong. I should be strong. Kinuha niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Inilagay namin ang bag namin sa may upuan at pumunta na sa gitna. Huminga ulit ako ng malalim bago sinunod ko ang ginagawa ng mga kasamahan namin. Iniiwasan kong mapatingin sa babaeng may bangs dahil masama ang tingin niya sa akin. She scares the hell out of me. Para siyang disciplinarian sa kanyang mukha. Nag stretching kami at nag jog-in-place. From head to toe ang stretching. Tig si-sixteen counts lahat. Halos manuyo ang katawan ko sa daming pawis na lumalabas sa katawan ko. Napahawak ako sa balakang ko. Hindi pa din ako nakarecover sa p*******t nito kahapon at ito na namang may bagong p*******t. Nilulunok ko na lang mga laway ko. Wala akong tubig at alam kong ganoon din si Joreen. Nasa malayo pa naman si Joreen dahil inihiwalay kami kanina para daw iwas talakan. Hindi ko alam kung ano ang problema nung babae sa akin at kanina pa niya ako iniirapan tuwing nadadaanan ko siya ng tingin. Nakaramdam ako ng presenya ng tao sa gilid ko. Dahan-dahan ko itong nilingon. Umaangat pa ang tingin ko. Nakita ko ang matipunong braso nito. Umakyat ang tingin ko sa mukha niya. Unti-unti siyang lumingon sa akin at nakita ko agad ang nagbabangga niyang kilay. Kumalabog agad ang puso ko nang makilala ang lalaki. Napaatras ako dahil sobrang lapit niya sa akin. Naramdaman ko pa ang pananayo ng balahibo ko sa aking batok. Nanatili ang tingin ko sa kanya at naaamoy ko ang pabango niya. Dahan-dahan siyang naglakad at pumunta siya sa harapan ko. "Anong tingin mo sa sarili mo? Superwoman?" natigilan ako sa tanong niya na hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. "Hindi ka man lang ba iinom ng tubig?" dagdag pa niya at mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko. "ANO? HINDI KA BA IINOM NG TUBIG?" lumaki ang mata ko sa biglang sigaw niya sa akin. Parang may kung ano ang bumara sa lalamunan ko at nararamdaman ko ang pag-iinit ng aking mata. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa kanya at bigla nalang niya ako nilapitan at sinigawan. Hindi ko siya inano at mas lalong wala akong ginawa sa kanya para lapitan niya lang ako at sigawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD