Kabanata 5

1565 Words
Kabanata 5 New Kumikirot ang balakang at paanan ko. Nasobraan ata ang pagtayo namin at namamaga na ito. Hindi ako sanay at biglaan ang trabaho kaya ganito ang nangyari sa akin. Nandito kami sa locker at nililigpit ko ang mga gamit ko. Ganun din si Joreen na ngayon ay nakikipagchikahan ulit sa team leader namin. Nakita ko ang dalawang burger at fries na nakasupot sa bag ko. Napailing ako. Susunod, hindi na kami tatanggap ulit ng pagkain. "Joreen, let's go." I grab her hand at todo babay siya sa Darylle na iyon. "Yung burger, Ches. Kainin natin?" sabi niya akin habang naglalakad. Paglabas namin, bumungad sa amin si Roe at Francis. Kumaway ulit sa amin si Roe at lumapit. "Off na kayo?" tanong niya. Napalingon ako sa aking tabi. Biglang nawala si Joreen sa tabi ko. Inilibot ko ang aking paningin at nasa likoran ko na ito, kausap si Francis. "Yep." mahina kong sagot kay Roe. "Saan kayo uuwi, Ate? Hatid na namin kayo tutal magkaibigan naman tayo." nakangiti niyang sabi sa akin. Bigla pa niyang hinawakan ang braso ko at inilibot ang kamay niya dito. "Naku, wag na. Diyan lang sa likoran ng Unibersidad ang Boarding House namin." nagmamadali kong sabi. Bigla kaming huminto sa harapan ng Gray Van. Bumukas ito at nakita ko ang kuya ni Roe na may kasamang babae sa loob na natutulog sa balikat niya. Napataas ang kaliwang kilay ko sa nasaksihan. Babae na naman? Ganito ba siya kababaero? Ibinalik ko ang tingin ko kay Roe at nakitang nakatitig ito sa akin. "My kuya is so tired. Anyways, kitakits na lang tayo bukas." Aniya saka binitiwan ang braso ko at pinanuod ko siyang pumasok sa loob ng van. Tumabi siya sa kuya niya at ipinatong din niya ang ulo niya sa balikat nito. "Bye Miss. Bye Joreen! Bukas ulit." Sabi naman ni Francis at nakipagbeso pa ito kay Joreen na halatang kinikilig. Seriously? Pinanood naming umalis ang Van nila at nang makita kong nakalayo na ito saka ko pa sinapak ang katabi kong ang laki ng ngiti. "Ano iyon?" sabi ko. Nakangiti niya ako nilingon. "Grabe, cheska! Ang gwapo niya at ang bango. In love na ata ako. Pakshit!" binigyan ko lang siya nang nandidiring tingin. In love agad? "Let's go." I said as I grab her hand again. Kinaladkad ko siya at tinahak namin ang overpass. Huminto ako sa gitna ng overpass kung saan kitang kita dito ang magulong highway na maganda tingnan dahil gabi na at mga ilaw lang ng mga sasakyan ang kumikinang sa gitna ng kalsada. Kita din dito ang mga malalaking building ng bagong paaralan namin at mga business building sa gilid. Naramdaman kong binuksan ni Joreen ang bag at sinarado din. Iniabot niya sa akin ang burger. Kinuha ko iyon at saka binuksan. Biglang nagsasayaw ang mga bitoka ko sa gutom. "Ang bait nila Ches, ano? Binigyan pa talaga nila tayo ng burger at fries."sabi niya. Napatingin ako dito at nakatanaw siya sa highway habang sumusubo ng burger. Tumango lang ako. I don't know what to say. Iba kasi ang dating nun sa akin. Iba ang dating sa akin sa pagbigay nila ng burger at fries pero sinasarili ko nalang. Ayokong idamay ang positibong utak ni Joreen sa negatibong utak ko. Kumagat ako. Minsan lang ako nakakakain ng burger. Ngayon lang ulit ako nakatikim nito kasi nung huli ko, mga ilang buwan na iyon. Samantalang yung mga tao dito, naaaraw-araw nila. Talagang pinagpala sila ng maykapal. "Fries, oh!" abot sa akin ni Joreen at tinanggap ko naman iyon. "Saan kaya sila nakatira?" aniya. "Sino?" sabi ko. "Sila Francis. Ang yaman siguro nila. May sundo silang Van eh," nagkibit balikat lang ako. Malay ko ba. "Uwi na tayo." Sabi ko sa kanya pagkatapos naming kainin ang fries. Sabay kaming bumaba sa masikip na hagdanan at nakatagpo kami ng taong ayaw magbigay daan sa amin. Magsyota silang dalawa at dikit na dikit sila sa isa't isa. Dahil hindi ko hawak ang kapilyuhan ni Joreen, sinadya niyang dumaan sa gitna nila dahilan para mapahiwalay ang dalawa. Wala silang ibang nagawa kundi tingnan lang kami ng masama. Nang makalayo na ito, biglang nagsalita ang katabi ko. "Maghihiwalay din iyon. For sure." Ewan ko kung saan niya nakuha yon kaya hinayaan ko na lang. Binuksan ko ang silid namin at kinabahan ako agad. May babaeng nakaupo sa kabilang kama at tinitigan niya kami. Tumaas ang kilay niya at saka unti-unting ngumiti. "Hi. Roommates tayo." Nakahinga ako ng maluwag. I see. So siya pala ang tinutukoy ng land lady namin kanina. "Hi din. Di ba ikaw yung babae kanina sa food chain?" sulpot bigla ni Joreen at tumabi ito ng upo sa babae. Siya nga iyon. "Yes! Kayo pala yung crew. Wow. Small world! Nice to meet you!" "Yep! Kami nga iyon. Anong pangalan mo?" sabi ni Joreen. "Ako si Veina Katrina Lacoste. Veina nalang. Reserved kasi ang pangalan kong Katrina sa mahal ko." Veina Katrina Lacoste? Hindi ba siya lage yung pinaguusapan sa kainan? Napatitig ako sa kanyang mukha. She looks famous. Chinita siya at maputi. Natura ang pagkapula ng labi niya. At oo, maganda nga siya no wonder suki ang pangalan niya sa mga kalalakihan. Para siyang isang manika ng laging nakangiti. Hindi ko inaasahang yung babaeng bukambibig ng mga tao kanina, kasama ko ngayon. What a small world, indeed. "Talaga? Wow. Veina! Ako naman si Joreen at iyang babaeng maganda sa harapan natin, siya naman si Cheska. Pareho tayong magaganda." Hindi ko maiwasang mapangiti ng palihim. What's with the labels, Joreen? Tumango lang ako at inilapag ang bag ko sa center table. Hindi ganoon kalaki ang room namin. May apat na bed dito at tig-iisa kami ng cabinet. May tig-iisa din kaming study table at may malaking table sa gitna. Nasa labas ang CR kaya kapag gusto naming maligo o ano, kailangan pa naming lumabas. Maganda ang kabuuhan ng room na ito at sulit ang renta na 3,800.00 sa room at dahil tatlo kami, kami na ang bahalang magdivide sa babayarin. Wala kaming TV. Tanging mini-fridge lang ang available sa loob at kitchen counter. Tiled-floors din ito kaya okay na okay ito sa amin. Isa ito sa dahilan kaya kailangan naming magtrabaho ni Joreen. Para may pambayad kami sa renta at para na din may makain kami at pambili ng projects. "Mga kaibigan mo pala iyong maarte na customer kanina, Veina?" narinig kong tanong ni Joreen. Umupo ako sa kama at tinanggal ang sapatos ko. Nakita ko ang pamumula ng aking paanan. "Yep. At hindi ko sila kaibigan. Classmates ko lang sila. I don't consider them as friends. They are fakes. I hate fakers." Nandidiri pa ang mukhang pinapakita nito kay Joreen. "Naku! Wala kang mapapala sa mga plastic na tao. So tell us about your name Katrina." Si Joreen ulit. Tumayo ako at binuksan ang cabinet ko. Inilabas ko ang dalawang libro kong hiniram ko lang sa city library at inilapag iyon sa study table ko. "I had the love of my life. His name is Vincent Sean Buenavista. Mahal ko siya, pero may girlfriend siya. Pero naniniwala akong maghihiwalay din sila." Napalingon ako sa sinabi niya. Para siyang si Joreen. "That's the spirit! Maghihiwalay din iyon." Pagsasang-ayon naman ng kurimaw. "So, where do you originally live by the way?" hindi ko alam kung bakit napapa-ingles si Joreen ngayon. "Taga Tagoloan talaga ako pero dahil nahihirapan akong magtravel araw-araw, nag board nalang ako. Actually ngayon lang ako nakaisip nito sa second sem pa. 2nd year na pala ako at Technology Communication Management ang kursong kinuha ko. Kayo? Ikaw?" Tagoloan? Medyo malayo nga iyon dito. "Pareho kaming BS I.T at back to square one kami. Transferee kasi kami at dahil doon, balik first year ang standing namin kahit na dapat ay nasa final year na kami." Narinig ko ang malungkot na 'oh' ni Veina. Napangiwi na lang ako ng palihim. "Sige lang. Gagraduate din kayo. Madali lang naman ang four years hindi ba?" ramdam kong pilit niyang binubuhayan ang kanyang boses. "Naman. Basta matayog ang pangarap mo, walang sisira sa four years na yan, talagang madali lang." nakangiting sagot ni Joreen sa kanya. Biglang nag-beep ang Nokia 1100 phone ko. Napalingon sila dito at saka ko pinulot sa study table. Agad ko namang binuksan sa kadahilanang parang himala lang ata ang mga text na dumadating sa aking cellphone. From: SSC 2014 Welcome transferees and returnees. We want to know if you were being accommodated and guided properly by the assigned students during your enrollment process. For answers, please drop your letters to our office located at building 5, 6th room. Thank you. Napataas ang kilay ko sa pagtataka. Nagtataka ako kung bakit may number sila sa akin pero bumalik sa isipan ko yung pag-enrol namin kanina, nairecord pala nila iyon. Cool. Pinindot ko na lang ang exit button. Maayos naman ang enrolment process namin at medyo mataas lang ang linya pero hindi naman natatagalan talaga ang sobra. Nag-beep ulit ang cellphone ko bago ko pa man ito maibalik sa table. From: Unknown Number Fr: MUST-VARSITY-OFFICER Practice tomorrow at 7:30 am in the court. Late comers are not allowed to join the session. Obey the rules. Tiningnan ko si Joreen at nakadungaw din siya sa cellphone niya. Hindi ko alam kung bakit may number ang MUST-V sa akin, sa amin. Don't tell me, sa SSC din nila iyon nakuha? Kung ganoon, okay. Pero bakit ang sobrang bilis ata?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD