Kabanata 4

850 Words
Kabanata 4 Burger and Fries "Kuya! Ang sabi niyo, hindi kayo lalabas ng school. What are you doing here?" biglang sulpot ng maputing babae sa gitna namin at kamukha niya ang lalaking nasa gilid ko na may dalang malaking bag at bola ng basketball. Nakapameywang ito at napansin ko ang tattoo niya sa kanyang braso. "Roe, Nagutom kami. Grabe ka naman! Tingin mo talaga sa amin grade one?" sabi nung lalaking humawak sa akin kani-kanina lang. Inakbayan niya ito at tumawa ng mahina. Nagising bigla ang isipan ko. I need to get out of here. I don't know them. Dahan-dahan akong umatras. "Excuse me." mahinang sabi ko. Lumingon sila sa akin. Pati na din ang babaeng maputi. "Teka, teka. Hindi ba ikaw yung bagong va-" "Yes. And excuse me, po." hindi ko na siya pinatapos ng pagsalita at umatras ulit ako. Hinawakan na naman niya ulit ang braso ko. "Wait lang." aniya. "Kuya. You are holding her. s****l Harassment ang ginagawa mo." nabitiwan niya ang kamay ko at napaatras ako ng kaunti. "Sorry. By the way, mag-eenjoy ka sa team. Ako nga pala si Francis Lue, Point guard at ito naman ang team captain namin, Si Captain LS." pagtutukoy niya sa lalaking hanggang ngayon ay seryoso pa ding nakatingin sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko nang masulyapan ko ang mapupungay niyang mata. Siya yung lalaking may maraming babae. Siya iyong lapitin ng babae. Siya iyong nasa gym kanina. Siya iyong panay ang titig sa akin. So this is how he looks like sa malapitan. Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalikan ang Francis na ito ng tingin. "At ito naman ang kapatid niya, si Princess Roe." "Hello! Call me Roe." I don't get it! Bakit ba niya ako pinakilala sa babaeng ito? At bakit ba nila ako kinakausap? "What year ka na?" tanong niya sa akin. Nakita kong medyo lumapit sa akin si Roe at ngumiti. "Uh, First year irregular." Nahihiyang sagot ko. "So, transferee ka or returnee?" tanong ni Roe. "Transferee." napaatras ako. "What year ka na sana?" she asked again. "Final year." umatras ulit ako ng isang hakbang. I need to go. Marami pa akong trabaho. "OMG! Sayang! Why did you transfer?" she took another step closer to me. Tiningnan niya ako ng marahan. Para niyang iniscan ang buong pagkatao ko. Napatingin ako sa mata niya at napalunok. "Nawalan ako ng Scholarship." Sagot ko at saka lumunok. "Sayang. Well anyway, I'll call you Ate. First year pa lang ako. I.T Student. Nice to meet you. Friends na tayo." Aniya at bigla akong niyakap. Napapigil ako sa paghinga at saka lang nakabawi pagbitiw niya sa akin. "Uh, yeah.. Excuse me lang, ho. Balik trabaho na ako." Umatras ulit ako. "Yes, yes. You are excuse. Ingat Ate!" Tinanguan ko na lang siya at tumalikod. Nagmamadali akong lumayo sa gawi nila. Pinuntahan ko si Joreen at nakita kong nakipag-usap siya sa sa team leader namin. "Joreen." mahina kong sambit sa pangalan niya at hinawakan ang dulo ng kanyang damit. Napalingon naman siya akin. "You okay?" masuyo niyang tanong sa akin. Huminga muna ako ng malalim at pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan at parang nanghina ang tuhod ko. Pagabi na at mas dumarami pa ang mga tao. Nanghihina na kami ni Joreen at isang oras pa bago ang off na namin. "Pare, Veina Katrina Lacoste pala ang buong pangalan ng babaeng iyon kanina." napalingon ako sa dalawang lalaking nag-uusap malapit sa akin. Veina? What is with that name? Kanina ko pa naririnig ang pangalan niyan ah. "Paano mo nalaman?" "Tinitigan ko ang I.D niya kanina. Galing ko hindi ba?" Umatras ako kaunti. Ayoko talagang makinig sa usapan ng mga tao pero hindi ko maiwasan. "Pormahan kaya natin. Wala pa nga raw boyfriend ang babaeng yun." "Wag mo akong idamay! May girlfriend na ako." napataas ang kilay ko sa kawalan. Loyal ass we got here, huh? "Cheska!" napalingon ako. May tumawag sa pangalan ko somewhere. "Hey! Cheska! Here! Sa likoran mo!" and I followed the voice. Nakita ko si Joreen na nakangiti at may dalang tray na may dalawang burger at fries dito. "Bigay sa atin nun oh! Mga kasamahan pala natin iyon sa Varsity." ngumuso siya. Sinundan ko ang nguso niya. Nakita kong kumakaway si Roe at Francis sa amin. Tinanguan ko sila at pilit nginitian. Nanatili ang mata ko sa kanila. Dumami sila. Nandun pa din ang kuya ni Roe na sobrang seryoso ng mukha kahit kumakain at may mga babae na naman sa tabi niya. Ang dami talaga ng babae niya. "Baka daw kasi nagutom na tayo kaya binigyan nila tayo. Dahil pagkain naman ito, tinanggap ko na lang. Itatago ko lang ito sa bag natin at mamaya na natin ito kakainin ha?" tumango na lang ako sa kanya. Are they really that rich at pinamimigay lang nila ang mga iyon? Napangiwi ako. Ganun na ba kahalata ang mukha namin na hindi namin kayang bumili ng ganun para bigyan nila kami? May kung ano sa puso ko ang kumirot. Tumalikod ako at hinarap ang pader. Ipinikit ko ang aking mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD