Kabanata 3

884 Words
Kabanata 3 Nakasimangot "Bukas, magpapa-i.d tayo, Ches. Tapos titingnan natin kung may mapaghiraman ba tayong school uniform o hindi kaya, bibili na lang tayo ng mga secondhand." ani Joreen sa akin habang papunta na kaming fast food chain. Tama ang plano niya. Makakasave kami kung ganoon. "Tapos, hay! Hahanap pa ako ng isang raket. Para naman mapag-ipunan natin ang babayarin sa boarding house." Nilamon agad ako ng kaba nang makita ko na ang pagtatrabahuan namin. Medyo may kalakihan ito at maraming tao akong nakikita na lumalabas dito. Kakayanin! We can do this. Napadaan kami ni Joreen sa grupo ng mga estudyante na nakatambay malapit sa food chain. Malalakas ang tawa nila sa gilid at nagsasapakan pa. "Tapos, napansin niyo, ang bulky nung kanya! Like OMG!" "How about the other one? Bulky din ba?" sagot ng kasamahan niya. Nagsapakan ulit sila at hindi ko alam kung bakit bulky ang lumalabas sa bibig nila. Pumasok kami at binati kami ng Guard. Napatigil ako sa paglalakad at napasinghap. Grabe! Ang daming tao. Punuan at may mga waiting sa tabi. Ganito ba kasikat ang food chain na ito? ** "Hi. Kayo ang bagong crew diba?" sulpot ng lalaking matangkad sa harapan namin. May nakalagay sa damit niyang 'Hi! My name is Darylle.' "Yep." sagot nitong katabi ko. "Welcome! Follow me so that I'll introduce you to your new environment." Sumunod kami sa kanya at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Pinasuot niya kami ng apron, mouth mask at hairnet. Pinakita niya sa amin ang kabuhuan ng kitchen ng food chain. Kaming dalawa lang ni Joreen ang bago at ang awkward kasi pinagtitinginan kami ng mga magiging kasamahan namin sa trabaho. Pinaliwanag niya sa amin ang magiging role namin as crew. Assigned din kami sa paglilinis at pag-aalaga ng order ng mga kumakain. "It was ordered na magsimula na kayo agad but under training pa kayo. May employee locker room sa may likoran at ilagay niyo lang doon ang inyong mga bag. Remember, we are dealing with foods! Proper hygiene is seriously required." At dahil nakakatakot ang mata niya, dali-dali kaming kumilos ni Joreen. Nalaman din naming isang crew siya katulad namin pero siya ang team leader kaya ganoon siya umasta. ** "Good afternoon! Welcome!" masiglang bati nitong katabi ko sa mga taong dumadaan sa harap namin. May nagtaas ng kanyang kamay sa unahan at pinapahiwatig niyang lalapitan daw siya. Siniko ako ni Joreen. "Lapitan mo." Tinanguan ko siya. Okay. Lalapitan ko. Maingat akong naglalakad sa takot na makasagi ako ng pagkain at ipagbayad pa ako. "Excuse me lang, okay lang ba kung manghihingi kami ng tubig?" sabi ng chinitang babae sa akin pagkalapit ko. Pulang-pula ang labi niya at pati din ang mga kasamahan niya. "Of course, it is okay, Veina. This is freaking fast food chain. Water is free." sabi ng kasama niya sa kanya at nakita ko pa ang pag-irap nito. "Yes Ma'am. Okay lang po." magalang kong sagot na hindi pinapansin ang kaibigan niyang mataray. "Yeah right!" second the motion naman ulit ng babaeng nagsalita kanina. Ang arte naman niya. Anong problema nun? "Good. Limang tubig lang. Yung maraming ice. Thanks." Tumango ako at saka tumalikod. Dali-dali akong nagsalin ng tubig at dinamihan ko ng ice. Inilapag ko ang limang baso ng tubig sa tray saka nagtungo sa kanila. "Thanks!" sabi ng chinita pagkatapos kong ibigay ang tubig sa kanila. "You are welcome, Ma'am." Sabi ko tapos tinalikoran ko sila. Bumalik ako sa gilid at tinatanaw ang mga taong nakapaligid sa akin. May kumaway na naman. Mga lalaking matataas. Kahit nakaupo sila, parang nakatayo pa din sila sa tangkad nila. "Miss, papalinis kami nito," they are referring to the table. Tinanguan ko siya at sinimulan kong linisin. "Grabe. Nakakamatay ang ganda ni Veina, bro! Gusto kong magpapakilala sa kanya pero baka hindi ako pansinin." ayokong makinig sa usapan ng ibang tao dahil mali iyon pero hindi ko maiwasan. Ang lakas ng boses niya eh. "Gago! Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?" Sabi naman ng katabi niya. Pansin kong pareho sila ng damit na sinusuot. May 'Electrical Engineering' na nakalagay sa Tshirt nila at seal ng unibersidad. "Gago ka din! Akala mo madali ang magpakilala sa magandang binibini? Hindi!" Nagmamadali akong maglinis at nang makita kong malinis na ay umalis na ako. "Miss, pakilinis din ito!" "Miss, get us water please" "Excuse me, pwedeng manghingi ng spoon and fork." Napabuntong hininga na lang ako. Ang daming tao, wala na ata silang ibang nakikita kundi ako at si Joreen lang. Hindi ba sila makatayo sa sarili nilang paa at sila na lang ang kumuha? Nasa counter lang naman. Nang matapos kong ibigay lahat ng mga utos ng mga taong kumakain ay bumalik ako sa gilid ng entrance at napahawak sa aking beywang. This is the nature of our work. I need to get used to this. "Oy! Hi! Ikaw yung bagong team mate ng girls varsity di ba?" napaangat ang tingin ko sa lalaking lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko. Dahil sa kaba, inagaw ko ang braso ko sa kamay niya at umatras ng kaunti. Napatingin ako sa kasama niya. Kumalabog agad ang puso ko nang makita ko ang mukha nito. Ang mata niya, ang kilay.. ang nipis ng kanyang labi. Seryoso siyang nakatingin sa akin at may dala siyang malaking bag at bola ng basketball.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD