Kabanata 49 Roe "Thanks Vince." Sabi ko saka tinanggal ang seat belt. "Walang problema, Villacier. Alam mo namang malakas ka sa akin e." aniya. Napasimangot ako sa pinangalan niya sa akin. "May date ako mamaya, saan mas magandang dalhin ang date ko?" aniya pa. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ako si Quintosse, Vince. At sino ba talaga 'yang ka date mo? Hindi mo pa pinapakita sa akin, a." sabi ko at ngumuso. "Soon, Cheska." Kinindatan pa niya ako. Napairap nalang ako sa kawalan at saka bumaba. Mabuti nalang talaga at nadaanan ako kanina ni Vince sa may highway. Thank goodness, hindi ako late. Si Joreen? Ayun. Day-off daw niya. "Blooming ka ah. Iba talaga pag boss ang inspirasyon." Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa aking mukha. Sinarado ko ang pinto ng sasakyan niya at kinawayan

