Kabanata 50 Ang Hirap Hindi ko alam ang gagawin ko habang hinihintay ang magkapatid na bumalik. Pinaupo ako ni Janessa sa couch ng opisina ni Stephen at hinawakan niya ang kamay ko. Panay pa din ang pagkabog ng puso ko na parang galing ako sa takbuhan. "Everything will be okay, ate." Aniya sa akin. Mas lalo lang akong kinabahan. Kung mag-aaway man sila, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko dahil base sa narinig ko kay Roe, ako ang dahilan ng lahat ng ito. Bumukas ang pintuan ng dahan-dahan. Iniluwa dito ang magkapatid na ngayon ay nakangiti na. Halos mabunutan ako ng tinik.Okay na sila? Nahanap ni Stephen ang mata ko at binigyan lang niya ako ng blankong ekspresyon. Lumapit si Roe sa akin at umupo siya sa gitna namin ni Janessa. Agad niya akong niyakap patagilid. "Ate, kain

