Kabanata 40 Peoples Mind Napahinto sa pag-ikot ang mundo ko sa sinabi ni Cristina. First love ni Veina si Stephen? Bakit walang sinabi si Stephen sa akin? "But unfortunately, Stephen's first love wasn't her." Napalingon ako kay Stephen sa dinugtong ni Cristina. Then who? "Hali ka nga dito, Chezalle." Ani Stephen sa akin na walang ekspresyon ang mukha. Bigla akong kinabahan. Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang tingin kay Cristina. I want to know more. "Kaya ganoon makareact si Veina ay dahil nasanay siyang makita si Stephen na walang kasama. Na siya lang ang naghahabol dito. Pero simula nang dumating si Vince, ang bago niya pinagkainteresan, ay mas lalo siyang naging kawawa. Hindi na nga siya pinapansin ni Stephen noon, hindi pa siya pinapansin ni Vince ngayon. Kaya siya nagalit sa iy

