Kabanata 41 Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Stephen. Nakatago ang mukha ko sa kanyang likoran at dinadama nalang ang malamig na hangin. Hindi mawala sa isipan ko ang mga panghuhusga ng mga taong nakapaligid sa amin. Ang sakit lang pala talagang mahusgahan. Sa katunayan, mas masakit pa ito kaysa sa sinabi ni Veina sa akin sa nakaraan. Si Veina kasi, kilala ko pero 'yong iba, hindi, kaya mas malaking sampal ang ganun at hindi malabong mangyari, mas dadami pa talaga ang huhusga sa akin. Iniangat ko na ang tingin ko nang maramdamang huminto na kami pagkatapos ng mahabang biyahe. Ilang beses pa akong kumurap sa aking nakita. Nasa Tagoloan kami! How come napunta kami dito? "Chezalle." Inilapit ko ang baba ko sa tenga ni Stephen. I don't know kung wala si Stephen sa tabi ko. Sasaya ka

