Kabanata 26 Iba Na May biglang humigit sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko sa nangyari. Halos mapasigaw pa ako sa sobrang sakit ng pagkahawak. "Wait..." naiinis kong sabi. Sino ba ito? Pero para niya akong hindi narinig. Kinaladkad ako palabas ng court at marahas na binitiwan ang kamay ko pagdating namin sa likorang bahagi ng CU Gym. "Sino ka ba?" tanong ko. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at nanlaki ang mga mata ko at nang makilala ang walang hiyang lalaki. "Naalala mo ako, Cheska?" aniya at ngumiti. Naningkit ang mata ko sa kanyang tanong at napaigting panga. Dahil sa inis, naitapon ko sa kanya ang dala kong bottled water na ibibigay ko sana kay Stephen. "Aray!" aniya ng matamaan ko ang kanyang mukha. Mas lalong nag-igting ang panga ko nang ngumiti ulit siya. What the hell is he d

