Kabanata 27 Stephen's Property "It's okay, Stephen. May next game pa!" sabi ko papalapit sa kanya at niyakap siya. Talo sila sa 2nd game. Pero okay lang, panalo naman sila 1st game. So it means, may 3rd game pa. "Mamaya mo na lang ako yakapin, Chezalle. Magbibihis muna ako baka kasi ayaw mo sa pawis ko." namumula akong kumalas sa pagyakap sa kanya. Nginitian ko siya at tinanguan. Kinuha niya ang kamay ko at lumakad kami papalapit kina Roe na nakangiti. "Okay lang iyan Kuya. Gwapo ka pa din naman e." masayang sabi ni Roe sa Kuya niya. "Salamat, baby." Binitiwan ni Stephen ang kamay ko. Magbibihis muna raw siya. Umupo ako sa gitna ni Joreen at Roe. "BFF." bulong ni Joreen sa akin. Inilapit ko ang tenga sa kanya. "Inlove ka." aniya. Diretso. Napaubo ng wala sa plano. Binigyan ako ng

