Kabanata 24 Sleep well with me Napatingin ako sa orasan sa gilid ko. 2:57 AM. Seriously? Sinong tatawag nang ganito ka aga? Kinakapa ko ang cellphone dahil parang niyanig nito ang pagtulog ko dahil sa vibrations. Madilim ang paligid. Yung orasan lang sa gilid ang umiilaw dahil glow in the dark ito at ang cellphone. Isang unregistered number ang tumawag. Nagdadalawang isip pa akong sagutin ito. Who could it be? I cleared my throat. Baka emergency ito or something. "Hello?" nakapikit ako. Inaantok pa talaga ako. Kakatulog ko pa lang kasi dahil kakaisip kay Stephen. "Chezalle." Stephen? Naidilat ko agad ang aking mata at napaupo sa kama ng wala sa oras. "S-stephen." hindi makapaniwalang sabi ko. "Nasa labas ako." lumaki ang mata ko. Nabitiwan ko ang aking cellphone at napatayo

