Kabanata 23 The Life I have Nilapitan ko si Martin sa kanyang table. Nandito siya sa fast food chain at nakaduty pa ako. "Hey." napatayo siya sa bati ko. "Stephen's." tumaas ang kilay ko sa sinambit niya. "Huh?" naguguluhang sabi ko dito. "Sorry. Wala." tumango ako. Okay. Baka nabigla lang siya. "Pwede ba akong magtanong sa iyo?" mahinahong sabi ko. "Sure. What is it? Take a seat." aniya. Umupo ako at ganun din siya. Wala gaanong tao ngayon since passed 8pm narin kaya malaya akong makipag-usap sa iba. Apat na araw na ang lumipas at hindi ko pa din alam ang ibibigay ko kay Stephen. I need to ask Martin for maybe he can help me. Hindi pa pinapasok si Joreen kasi kakadischarge lang niya. She still needs to take a rest. Magkasama kami kahapon ni Stephen pero ang pangit naman kung

