Kabanata 22 Stephen Nang makita ko ang posisyon ni Stephen, napatalon ako agad sa kama. Bumaba ako at inayos ang higaan. Kawawa naman siya. Natulog pala siya sa ganyang posisyon. Nakaupo lang at nakayuko. "Stephen." mahina kong bulong. Kinukusot pa niya ang mata niya at dahan-dahan akong tiningnan. Sumilay nang ngiti ang labi niya kaya sinuklian ko. "Lipat ka muna sa higaan." sabi ko. Tumayo siya at naghikab. "Ikaw?" aniya. "Nakatulog na ako. Dito ka na. Okay na ako." parang hindi niya ako narinig. "Please." "Sige. Dito kalang sa tabi ko." Sabi niya. Pinanood ko siyang humiga. Inalalayan ko siya sa kumot at inayos ang unan. "Sleep well." binigyan niya lang ako ng matipid na ngiti bago pumikit. Umupo ako sa inupuan niya kanina at ipinatong ang balikat ko sa higaan. Tulog pa

