Kabanata 21 Roses Nanginginig ang kamay ko. Hindi ko mahawakan ng maayos ang beywang ni Stephen. Lumilipad ang isipan ko sa aking kaibigan. Sa mga taon naming magkasama ni Joreen, ngayon lang siya naospital. Napapikit nalang ako habang hinahayaan ang hangin na liparin ang buhok ko. Pababa pa kaming Macasandig Area nang biglang huminto si Stephen. Napadilat ako. Bahagya siyang lumingon sa akin, nagtagpo ang mga mata namin at nakaramdam agad ako ng pagkailang. Umiwas ako ng tingin at nakitang nasa Plaza kami ng barangay na ito. May nakalimutan ba siya kaya siya huminto? "Nanginginig ka." Hindi iyon tanong. Alam ko. Ramdam niya pala ako. "You okay?" dagdag pa niya. Umiling ako. He deserved to know that I'm not okay. I'm dead worried to Joreen. Hindi ko naman aakalaing malala na pal

