Kabanata 19 Stay With Him "Ate? Hindi ka pa lalabas?" napadabog nalang ako. Damn it. Kaya ko bang lumabas nito? Masyadong sexy at daring. Strapless ito at feeling ko, sobrang expose na ng katawan ko. "Roe." hindi nalang kaya ako lalabas? "Ate. I want to see you. Open the door na.." napabuntong hininga nalang ako. Walang kawala na ito. Binuksan ko ang pintuan at pumasok agad si Roe. Nanlaki pa ang mata ko nang pumasok din ang dalawa pa nitong pinsan. 'Yong Janessa at Cristina. Napalunok ako. Tinitigan nila ako na parang maniquin. Sumilay nang ngiti ang kanilang mga labi. "Sexy ass, Ate." napaatras ako sa sinabi ni Roe. "May abs ka pa! Damn it! Saan ka nag-gym?" umiling ako sa tanong ni Cristina. Wala nga akong pera, pang gym pa kaya. "Seriously? Ito ba ang gawa ng basketball?"

