Kabanata 16 If That's What You Want "Magkaibigan pala kayo ni Stephen?" napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Veina na nakangiti. Kilala niya si Stephen? "Kind of." sagot ko dito. Hindi ko naman alam na kaibigan na kami. Umupo ako sa kama at sinimulang hubarin ang sapatos ko at medyas. "Ahh. He is handsome." aniya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Nagtataka ako sa kanya at sa tuno ng pananalita niya pero tinanguan ko nalang ito. Tulog na si Joreen at humihilik pa. Mabuti nalang at hindi ako naabutan ng curfew kung hindi sa labas ako matutulog. "May cake akong dala, Veina. You might want to eat." I said nicely to her. Napatingin ako dito. Nakahiga na siya sa kanyang kama habang hawak ang kanyang cellphone. "Thanks nalang Cheska. Galing na ako doon. Actually doon din ako n

