Kabanata 17 Your Effect Napakamot ako sa ulo. Sa sobrang occupied ko sa maraming bagay, nakalimutan ko ang project namin. Malapit na ang MASCUF. Todo practice na kaming lahat. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nakakalimutan ko na ang Academics ko. Pangako naman ni Coach na after nitong paligsahan, makakapag concentrate na kami sa aming pag-aaral. Sadyang priority lang talaga namin ang Basketball since eskolar kami dito. Lumiko ako at tinahak ang daan papuntang Electronic Library para mag-encode at mag reresearch. May standard ang project namin. Dapat computerized and presentable. Isa nalang ang poproblemahin ko, kung saan ako makakapagprint na mura. Knowing the fact, colored ito, talagang medyo magastos. Ewan ko lang kay Joreen kung bakit wala iyong pakialam dito. "Uwi na ako, ch

