R A I N Matapos ang tanghalian ko kasama si Dad ay agad na akong hinatid ng mga tauhan niya sa SMART ONE. Balik na naman ako sa pagiging personal assistant. Pero mukhang ito na rin ang huling araw ko sa trabahong ito dahil kailangan ko nang tanggapin ang imbitasyon sa akin ng agent ng kumpanya na pumunta ng resto bar. Para naman matapos na agad itong misyon na ito. Nadatnan ko sa isang interview ang Lexus. Nasa conference room number 7 sila. Para raw ito sa isang magazine issue sa susunod na buwan. I remember that I have to take care of Ethan this morning dahil may photoshoot sila para sa cover ng parehong magazine. And it’s clear that… hindi ko nagawa ang dapat kong gawin dahil nga I was with Dad this morning. “Rain!” a co-worker called me. Limang tao lahat ang nasa gilid ng conferenc

