IT DOESN'T MATTER 05

1017 Words
Lumipas na ang ilang oras at nakahanda na rin ang lahat ng kailangan ni Ingrid. Kinuha niya ang isang bag at saka naglakad palabas ng kwarto. Tinignan niya ang baba at kahit isa ay wala siyang nakita. Kaya naman mabilis niyang binuksan ang pinto at buti na lang ay walang katao-tao. Habang naglalakad si Ingrid palabas, siya ay napatingin sa bahay at muling tumalikod. Masama man ang loob niya ng dahil sa kanyang pag-alis, pero hindi pa rin mawawala sa loob niya na buo na ang desisyon niya. "I'm sorry," mahinang sabi ni Ingrid at naglakad ito palabas. Kasabay no'n ang pagdating ng isang kotse at sumakay na si Ingrid dahil dumating na rin si Mavy. Nang siya ay sumakay, nakita nito ang pagiging seryoso ng mukha ni Mavy. Habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa manubela at hindi pa rin umaalis ang dalawa. "Handa ka na ba? Wala na 'tong atrasan." Tumango si Ingrid at saka huminga nang malamin. Nilisan na nga ng dalawa ang harap ng bahay ni Pierce at isa lang ang naisip ni Ingrid kung saan sila titira pansamantala. Ayaw kasi ni Ingrid na tumira kay Mavy, kahit na iyon ang napag-usapan nila. Mayroon pa rin namang isip si Ingrid at alam niyang mapapahamak pa rin si Mavy kung doon siya titira. Kaya naman isa lang ang naisip nito. Walang iba kung hindi si Astriece at Persius. Iyon lang ang naisip ni Ingrid dahil ito lang din naman ang kilala niya rito bukod kay Mavy at sa ibang mga kaklase. Medyo nakahinga nang maluwag si Ingrid dahil naka-alis na rin siya ng tuluyan ng hindi nakikita si Pierce. Siya ay nakamasid sa bintana habang tinitignan ang madilim na kalangitan at tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag sa kadiliman. "Nakapagsabi ka na ba kay tita Astriece? Baka mamaya ay hindi pa. Mamaya ay magulat 'yon na nandoon tayo?" tanong ni Mavy habang busy ito sa pagmamaneho. "Huwag ka mag-alala at mabait 'yon. Hindi naman tayo papansinin ni lady Astriece at siya na ang bahala sa atin. Hindi naman 'yon tulad ni Pierce, kaya mamaya ko na lang sasabihin sa kanya." Kahit na may hiya sa katawan ni Ingrid ay wala siyang magawa. Sumasakit na nga ang ulo nito ng dahil sa mga nangyayari at problemang kinakaharap. Hindi kasi ito tumawag o nagtext man lang kay Persius o kaya kay Astriece. Basta ang alam ni Ingrid ay makakatira sila roon ni Mavy kahit gaano pa nila katagal gustuhin. Hanggang sa lumipas ang tatlong oras at pagod na pagod sa byahe si Mavy at Ingrid. Malayo pa rin kasi ang tinitirahan ng dalawang mag-asawa dahil ayaw ni Pierce na malapit sila rito. Kaya ng makarating ang dalawa ay agad naman bumaba si Ingrid at saka bubuksan sana niya ang gate kasi nakasara ito. Kaya naman nakatayo lang silang dalawa sa labas at saka pinindot ang doorbell. "Nakakahiya tuloy at alas-dos na nang madaling araw." Sabay nakita ni Ingrid na kumamot ito sa ulo at napatingin ang dalawa sa pinto ng lumabas si Astriece at nakasuot ito ng pantulog. Mukhang wala pa nga ito sa sarili, pero ng mapansin nito ang pamilya na mukha ay nanlaki ang mata nito na makita si Ingrid at Mavy sa gate. Mabilis naman na tumakbo papalapit si Astriece at nagtataka sa dalawa. "A-anong ginagawa n'yo rito?" tanong ni Astriece at saka pinagbuksan ang dalawa. Hiyang-hiya naman si Ingrid at wala naman siyang magagawa na dahil na dito na sila. "Bakit may bag kayo? H'wag mo sabihin na totoo nga ang sinabi mo sa akin?" Tumango na lang si Ingrid dahil nagawa na rin niya ang plano na nais niya. Nang makaraang tatlong buwan kasi ay nagtext dito si Ingrid para ipaalam ang nais niyang pag-alis, pero hindi naman alam ni Astriece na hindi pala talaga ito nagbibiro. Pumasok silang tatlo sa loob at saka umupo sa sala. Habang pinagmamasdan ni Ingrid si Astriece na kumukuha ng tubig at saka pagkain. Sabay napatingin ito sa hagdan at nakita niya si Astro at saka tumayo si Ingrid para kuhanin ito. "Tita Ingrid? Ang aga mo naman po sa bahay at bakit ngayon ka lang bumisita?" Napangiti si Ingrid dahil pitong taon na si Astro at talagang napakalaki na nito at nagkaroon na ng laman ang katawan hindi katulad no'n na payat na payat. "Gusto mo bang dito muna ako para may kalaro ka?" tanong ni Ingrid at masayang tumango si Astro at dumating bigla si Astriece at tinulungan naman ito ni Mavy na ilagay sa lamesa ang pagkain na dala nito. "Astro bakit gising ka na? Pwedeng pumasok ka ro'n sa kwarto ng daddy mo at matulog ka pa. Mamaya ay magpapahinga na rin sila at bukas na kayo maglalaro okay? Tignan mo rin si baby Kendey." Sumunod naman si Astro at umakyat ito sa taas. Habang hinihintay ni Ingrid si Astriece na makaupo sa upuan at napansin ni Ingrid ang reaksyon nito kaya agad itong umiwas. "Baka mamaya ay sugurin ka ni Pierce rito? Nakakatakot pa naman ang kapatid ni Persius at ako ang kinakabahan sa inyo." Napakagat labi si Ingrid at kahit siya ay kinakabahan din. Kaso ano naman ang magagawa no'n kung patuloy lang din siyang masasaktan kapag kasama sa i-isang bahay si Pierce. "Lady Astriece, pwedeng h'wag n'yo muna sabihin kay kuya? Baka mamaya kasi ay sabihin kay Pierce." Hindi maiwasan ni Ingrid na kabahan dahil si Astriece lamang ang nakakaalam na hindi nito boyfriend si Mavy. Samantalang nagulat ang dalawa ng tumawa si Astriece. "Huwag ka mag-alala at alam na ng kuya mo, pero hindi niya 'yon sasabihin. Kami na ang bahala sa inyo, basta kung handa ka na talaga na kalimutan siya ay gawin mo na. Sinabihan na kita noon, pero malay naman natin diba?" Napangiti si Ingrid dahil gumaan pa rin ang dibdib niya sa sinabi ni Astriece. Ito lang kasi ang nakakaintindi sa sitwasyon niya at ang iba na nasa paligid nila, bukod kay Pierce. Dahil talagang walang pakielam ito kung hindi ang magtrabaho at palaging sinasabi na siya ay dapat na mag-aral. Kaya iyon ang kinakainisan ni Ingrid kaya kung bakit siya umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD