Nakaupo si Ingrid sa upuan habang pinagmamasdan ang dalawa. Ramdam niya ang inis ni Pierce ng dahil sa mga sinasabi ni Mavy, pero hindi naman ito nagpapaapekto. Kaya naman napatingin si Ingrid kay Mavy ng sa gano'n ay hindi pa rin ito kabahan. Kinakabahan kasi Ingrid dahil baka mamaya ay kung ano ang gawin ni Pierce rito.
"She's now 20 years old sir. I understand you, but you should understand Ingrid. May isip na po siya at 'yon ang napagplanuhan namin."
"Do you really think that I will allow you to marry her? You should finish your school and get a stable job or a business before you marry her. Hindi ako papayag na pakakasalan mo siya ng wala ka man lang trabaho at nakakatapos."
Tumaas ang isang kilay ni Ingrid sa inis at hindi niya alam kung bakit ganito si Pierce. Mabilis niyang hinawakan ang ilalim ng kanyang suot na damit at sobrang bilis ng t***k ng puso. Nalulungkot si Ingrid sa mga naririnig niya at parang ayaw na niya itong marinig.
"I know that I was rude sir Pierce, pero sa tingin n'yo ba ay masaya si Ingrid? Do you really know what makes him happy?" Bigla 'yon lumabas sa bibig ni Mavy at natigilan si Ingrid. Tinignan niya ito at saka nakita niya ang pagigising seryoso nito habang nakatingin kay Pierce.
Kaso mas lalo lang na-disappoint si Ingrid ng marinig niya ang sinabi nito, "I know her more that you do. Bata pa lang siya ay inaalagaan ko na siya. Kaya wala kang gagawin kung hindi mag-aral. You won't go anywhere and you should leave before I throw you out." Turo ni Pierce kay Mavy at inis na tumakbo si Ingrid papunta sa kanyang kwarto.
Padabog nitong isinara ang pinto at saka umiyak. Wala siyang pakielam kung marinig pa siya ng lahat. Basta ang alam nito ay gusto niyang umiyak sa galit at gusto niyang umalis. Sa kanyang pag-iyak kasabay no'n ang ilang katok na narinig ni Ingrid at hindi sana niya ito papansinin, kaso narinig niya ang boses ni Mavy.
"Buksan mo nga ito sandali, mag-usap tayo." Hindi nag-atubilin si Ingrid at binuksan ang pinto. Habang lahat ng katulong ay nakamasid sa kanila sa taas at na-i-ilang man si Mavy ay wala itong magawa. Kailangan niyang tulungan si Ingrid ng sa gano'n ay mawala ng kahit papaano ang sakit na nararamdaman nito.
Naramdaman ni Ingrid ang kamay ni Mavy na dumampi sa kanyang pisngi at saka sabay punas nang luha. "G-gusto ko ng umalis Mavy, ayoko na rito."
Bumuhos muli ang luha ni Ingrid at saka niyakap si Mavy. Nagulat naman sila ng bigla nilang marinig ang boses ni Pierce at talagang sumama lalo ang loob ni Ingrid.
"You better go now and don't try to go here because you're not welcome." Kinilabutan si Mavy at alam niya kung gaano nakakatakot si Pierce. Unang tingin pa lang niya rito ay parang natutunaw na siya, kaya naman huminga nang malalim si Mavy at saka bumulong.
"Magtext ka sa akin, saka tayo mag-usap. Kung gusto mo ay mamaya ay aalis din tayo, sasamahan kita kung saan mo gusto pumunta." Natigil sa pag-iyak si Ingrid at tumango na lang bigla. Matapos niyang ihatid palabas si Mavy ay masama siyang tumingin kay Pierce.
"She's not a kid para ihatid." Sabay mabilis lang itong nilagpasan ni Ingrid at pumasok sa loob ng kwarto. Napansin nito ang mga gamit niyang kalat-kalat at ang maleta niya na inakyat ng mga katulong. Bigla naman nitong naisip ang sinabi ni Mavy at saka inayos ang maleta. Tinanggal niya isa-isa ang laman nito at inilagay ng maayos sa damitan.
Pinili lang ni Ingrid ang mga damit na kakasya sa kanyang bag. Dahil mahihirapan siyang maka-alis mamaya kung dadalhin pa niya ang maleta niya. Isang malaking bag na lang ang kinuha ni Ingrid at saka inayos ito.
"Sobra ka na talaga," inis na wika ni Ingrid at padabog din siyang nag-ayos ng damit niya at iniisip niya ang mukha ni Pierce na napakagwapo pero nakakainis.
Kaso natigilan si Ingrid ng biglang may kumatok sa pinto at mabilis niyang sinipa ang bag papunta sa ilalim ng kanyang kama at pagbukas nito ay bumungad sa kanya si Lucie na may dalang pagkain. Inilapag niya ito sa tabi ng kama ni Ingrid.
"Puro na lang iyak ang ginagawa mo. Sa loob ng isang linggo ay hindi maaari na hindi ka iiyak. Hindi ka na ba magsasawa sa kakaiyak mo? Ako ang nahihirapan sa iyo kapag gan'yan ka." Sabay kumuha ito ng pony sa bulsa at pinony ang buhok ni Ingrid.
Malungkot itong tumalikod at saka kinagat ang pang-ibabang labi. "Sino naman ang hindi maiiyak ate Lucie? Simula ng nasa Amerika tayo ay gan'yan na si Pierce sa akin. Bata pa ba ako? Palagi na lang bata ang tingin niya sa akin kahit na dalawang taon na lang ay makakagraduate na ako. Hindi ko alam kung anong anong edad ba ang gusto niya para masabi niyang matanda na ako at hindi na bata."
Nagawang magreklamo ni Ingrid sa katulong na nagtingin din sa kanya sa Amerika. Matapos kasi nilang umuwi no'n sa Pinas ay pinauwi rin ito ni Pierce dahil balak na rin nilang hindi bumalik sa Amerika at magstay sa Pilipinas ng dahil sa ina. Panay kasi ang reklamo ng ina ni Pierce ng dahil sa ilang taon na itong hindi nakikita sa sobrang busy sa trabaho.
"Darating din ang panahon na maiintindihan din niya ang nararamdaman mo. At saka mukha naman mabait ang boyfriend mo, talaga bang boyfriend mo si Mavy?" Biglang natigilan si Ingrid at hindi niya alam ang sasabihin.
Ayaw niyang magsinungaling dito, kaso ayaw rin niyang sabihin ang totoo. Kaya sa pagkakataong ito ay nagsinungaling si Ingrid. "Yeah! Kaya nga gusto ko na rin umalis dito at may savings na ako sa pagtatrabaho ko."
"Basta tandaan mo lang na kailangan mong maging matatag at maiintindihan ka rin niya. Kainin mo na rin 'yan at inumin ang juice baka mamaya ay mawala na ang yelo."
Tipid na ngumiti si Ingrid ng lumabas si Lucie at nawala siya sa mood. Matapos niyang kainin ang pagkain na binigay ni Lucie ay agad siyang humiga sandali at saka pumikit.