Ayaw patinag ng mga ito at naiinis na si Ingrid ng dahil sa ayaw pa rin nilang umalis. Kaya naisipan na niyang umupo sa harap ni Pierce, pero hindi siya nagpapakita ng kahit na anong emosyon sa lalaki. Tinignan nila ang isa't isa na para bang nagkakasubukan na sila. Inirapan naman ito ni Ingrid sa inis at gustong-gusto na niyang umalis ng bahay.
"Bakit ba ayaw mo akong paalisin? Malaki na ak-" pinutol bigla ni Pierce ang sasabihin ni Ingrid.
"Bata ka pa, kahit anong gawin mo bata ka pa rin, Ingrid," tugon ni Pierce at parang gusto ng umiyak ni Ingrid sa inis.
Si Ingrid Lou Genevieve ay patay na patay kay Pierce Key Fourth. Kahit na ang agwat nila ay walong taong gulang at si Ingrid ay 20 years old na, samantalang si Pierce naman ay 28. Wala ng magulang si Ingrid at tanging mga lola at lolo niya ang nagbabantay sa kanya, pero matanda na ito at hinabilin na siya kay Pierce ng siya ay sampung taong gulang pa lang. Kaya naging malapit na sila ni Pierce sa isa't isa, kaya ngayon ay hindi na siya nahihiya kung magsalita man siya ng hindi kagalang-galang sa taong nagbantay sa kanya.
"Pierce, ano bang problema mo? Hindi na ako bata! 20 years old na ako pero bata pa rin ang tingin mo sa akin?" Hindi napigilan ni Ingrid ang sumigaw at nagawa na rin niyang umiyak. Para siyang sinasabuyan ng karayom sa dibdib ng dahil sa sinasabi ni Pierce.
Hanggang ngayon ay bata pa rin ang tingin sa kanya ng binata. Kaya ito ang rason ni Ingrid para umalis na siya at kalimutan ang taong minahal niya. Simula ng makita niya si Pierce ay talagang nahulog siya. Hindi niya naisip kung malaki ang agwat nila, basta ang alam niya ay gusto niya ito at handa siya sa lahat.
"Tigilan mo ako, bumalik ka na sa kwarto mo," tugon ni Pierce at nagsimulang maglakad papunta sa kwarto niya. Pero natigilan si Pierce ng marinig niya ang sinabi ni Ingrid na nagpalala ng inis niya.
"Magpapakasal na kame!" Ang buong sala ay napuno ng hindi magandang tensyon sa pagitan ng dalawa. Habang ang mga katulong naman ay natatakot na at hindi nila inaasahan ang ganitong eksena.
Para sa kanila naman ay walang masama dahil may isip na si Ingrid at malaki na siya. Kaso ang pinoproblema ng lahat ay ang kanilang amo na laging tutol sa gusto ni Ingrid. Kaya naman ang takot sa kanilang katawan simula kanina ay mas lalong lumala.
"What did you say? Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?!" Sa pagkakataong ito nagawa ng sumigaw ni Pierce at nagbigay ito ng maitim na awra sa buong paligid ng bahay.
Pulang-pula na ang mga taenga nito sa galit at kahit ang mukha niya ay gano'n din. Pero si Ingrid ay malakas ang loob at wala siyang pakielam kung magalit sa kanya si Pierce. Basta ang alam niya ay gusto na niyang umalis sa bahay.
"Alam ko, kasi malaki na ako, hindi na ako bata. Hindi na ako bata, Pierce!" sigaw ni Ingrid at panay ang iyak nito. Hindi niya matanggap na hanggang ngayon ay bata pa rin ang tingin sa kanya ni Pierce, kahit na hindi na siya bata.
"Kahit anong gawin mo ay bata ka pa rin, sa ayaw at sa gusto mo hindi ka makakaalis dito," sabi ni Pierce sa dalagang si Ingrid at pumasok ito ng kwarto.
Naiwan si Ingrid sa sala at panay ang iyak niya. Habang pinagmamasdan siya ng mga katulong, maging sila ay nalulungkot sa dalaga. Alam na nilang lahat kung bakit ito ganito, kahit na hindi sabihin ni Ingrid. Palagi niyang bukang bibig si Pierce noon at alam din nila gusto niya ang lalaki.
Kaya naman nalulungkot sila para kay Ingrid at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ng kanilang amo ang pagmamahal sa kanya ng dalaga. Nilapit nila ito at hinagod ang likuran, ang iba naman ay kumuha ng tubig at binigay kay Ingrid.
Pinunasan ni Ingrid ang kanyang luha na kanina pa tumutulo. Ayaw no'n tumigil at masakit ang kanyang didbib. Tila makukulong siya sa kalungkutan dahil sa hindi siya minahal nito kahit ko'nti at hanggang ngayon ay para pa rin siyang sampung taon dahil bata lang ang tingin sa kanya ni Pierce.
Ininom ni Ingrid ang basong may lamang tubig at inayos ang buhok niyang sabog-sabog. Dinala na rin nila ang maleta sa kwarto ni Ingrid at inasikaso nila ito ng dahil sa nabigla rin siguro. Sa bawat pag-iyak ni Ingrid ay naiisip niya si Pierce. Talaga kasing mahal na mahal niya ito, kaya nga lahat ay ginagawa niya para gustuhin siya.
Kaya naman hindi niya alam kung sino ang kanyang tatakbuhan at bigla niyang naalala ang asawa ng kapatid ni Pierce. Pinunasan ni Ingrid ang kanyang luha at gusto niya itong makausap. Alam niyang ito ang taong makakatulong sa kanya at ayaw niyang magsayang ng oras. Pero sa ngayon ay kailangan pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang plano.
"Darating din ang araw na hinihintay mo, basta magtiis ka lang," tugon ni Lucie at nagbago ang eskpresyon ng mukha ni Ingrid.
"Ate Lucie, ilang taon n'yo na pong sinasabi ang katagang iyan pero hindi naman nangyayari," reklamo ni Ingrid at natawa naman sila sa sinabi nito.
"Mag-intay ka lang, darating din 'yon," sagot sa kanya ni Lucie at sumang-ayon naman silang lahat. Pero umiling lamang si Ingrid at pinanghihinaan na siya ng loob.
"Paano n'yo nasabi? Halos hindi niya ako matignan at busy siya sa trabaho. Pinanghihinaan na ako ng loob," sambit ni Ingrid at tumayo na siya at naglakad papunta sa kwarto niya.
Ayaw niyang kausapin si Pierce at siguradong magtatalo lang sila. Kaya naman humiga siya sa kama at tinignan niya ang kanyang cellphone. Ngumuso siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagtetext sa kanya ang taong iniintay niya. Kaya naman naisipan niyang mahiga at matulog na lamang, kahit na umaga pa lang.
Ipinikit ni Ingrid ang kanyang mga mata at hinihintay niya ang pagkakataon na mahalin siya nito. Nais lang naman niyang mahalin siya ng taong gusto niya, pero ang hirap pala. Akala ni Ingrid ay mamahalin na siya ni Pierce kapag nasa tamang edad na siya at masasabihin hindi na siya bata, pero nagkamali siya at ang turing pa rin sa kanya nito ay isang hamak na bata.