ARYA’S POV Kahit papaano ay nakalimutan ko ang hinaing ko kay Rosell. Nang makarating ako sa club ay medyo mahaba na ang pila ng mga gustong pumasok sa loob. “Buti maaga ka ngayon, Arya. Hinihintay ka ni Manager.” bungad sa akin ni Kuya Kris. Habang nag- iinspeksyon ng mga pumapasok. “Kanina pa ba?” hingal kong tanong dahil rush hour ng magtungo ako rito kaya medyo naipit ako sa traffic “Mga kalahating oras na, aligaga dahil may bigatin na naman yatang customer. Nanghihinayang na naman yan sa kokobrahin niya. Bilisan mo na” anito saka ibinalik ang tingin nito sa mga taong papasok ng club. “Oy! Arya! Magkasama na naman tayo.” nakangiting tawag sa akin ni Katrina “Ganun ba? Sige, Kat hintayin niyo na lang muna ako, kakausapin ko pa si Manager tska mag- aayos” sabi ko rito at dumire

