bc

Misteryosa (Baog Collaboration #3)

book_age18+
744
FOLLOW
9.9K
READ
dark
love-triangle
contract marriage
HE
age gap
forced
arrogant
boss
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
serious
single daddy
city
office/work place
cheating
secrets
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

“You’ re so pretty naman po, Ms. Corienne even if you wear eyeglasses.” saad ng batang lalaki na isa sa kanyang mga estudyante.

Kiming napangiti si Corienne habang ginugulo ang buhok ng bata.

Sa kanyang mga ngiti ay may nakatagong kaba.

Kilala siya sa tawag na Teacher Corienne sa umaga at sa gabi ay Arya.

Dahil sa matinding pangangailangan ay pikit mata niyang pinasok ang pagiging isang erotic dancer. Hanggang sa makilala niya si Rosell na,ang lalaking lagi siyang inaabangan sa club. Walang gabi na hindi siya nito binabayaran. Unang kita palang niya rito ay tila nahulog ang kanyang loob sa angking kisig ng binata. Sa kabila ng matapang na mukha nito ay mababanaagan mo ng kabaitan sa kanyang pananalita.

Pinilit niyang tinatakasan ang pagiging isang mananayaw pero sadyang bumabalik siya rito.

Sa muli niyang pagbabalik ay malalaman ng binata ang kanyang lihim na itinatago.

Ibubunyag kaya ni Rosell ang kanyang sekreto?

Paano ang kanyang pagtuturo?

Ano ang hihinging kapalit ni Rosell upang maitago ang kanyang lihim?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Madam,please baka pwede naman bigyan mo ako ng raket ngayong gabi?” pakiusap ko sa manager ng Bar “Alam mo, Arya kung hindi ka lang maganda ay hindi na kita tatanggapin. Naku, para kang kabute na aalis at magpapakita na lang.” sermon sa akin nito “Alam mo naman ang kalagayan ko madam kaya sige na po, kailangang kailangan ko ng pera ngayon. Kailangan na maoperahan ang kapatid ko.” pilit ko pa rito. “Sige na, mag- ayos ka na at baka nariyan na yung regular customer mo. Gabi gabi yun nandito palagi kang hinahanap.” masungit na sabi nito. Napalunok ako ng marahas sa sinabi nito. Mabilis at hindi lumilingon akong pumasok sa dressing room habang tinatakpan ang aking mukha ng dala kong tote bag. Nananalangin na sana ay wala pa rito si Sir Rosell at hindi niya ako makilala. “Arya, bilisan mo na diyan. Hinahanap ka na ng regular customer mo.” sigaw ni madam pagpasok sa dressing room. Suot ko ang isang black lace brallette na may naka embroid na bulaklak pinarisan ko ito ng itim na garter strap thong. Muli kong tiningnan ang sarili sa salamin at pinasadahan ng tingin. Who would have thought that the one with a gentle face and conservative clothes has changed into a seductive one. Malayong malayo sa naging itsura ko kanina. Isinuot ko ang isang Satin black Lace Robe bago nagtuloy sa vip room kung saan naghihintay si Sir Rosell. Isang malakas na katok ang aking ginawa bago ko pinihit ang seradura. “Come in, Arya” Kaagad na bungad sa akin ni Sir Rosell. Nakatayo ito sa gilid na para bang hinihintay ako habang hawak hawak ang isang baso ng alak sa kanyang kamay. Nanginginig ang mga tuhod na naglakad ako patungo sa black sofa. Kita ko ang matiim nitong pagtitig sa akin na walang kakurap kurap. Sinusundan ang aking bawat galaw at tila nakapagkit ang kanyang mga mata sa akin. "Ms. Corienne, Sinong mag- aakala na Ang adviser ng anak ko ay nagttrabaho sa Isang club." anito na nakakailang hakbang palang ako. Para akong napako sa aking kinatatayuan at nang hahaba ang aking mga tenga sa sinabi nito. Dahan dahan akong lumingon dito. "Nagkakamali kayo sir, Hindi Ako si Corienne--" pagtatanggi ko habang tila tambol sa lakas ng t***k Ang aking puso dahil sa labis na kaba. Naglakad ito papalapit sa akin, kahit nangangatog ang aking mga paa ay dahan dahan kong inihakbang paatras ang aking mga paa. "You cannot hide your identity to me, Arya or should I call you Ms. Corienne. Masisira Ang kredibilidad mo bilang Isang guro, matatanggalan ka ng trabaho at haharap ka sa mapanghusgang mga mata ng mga tao Lalo na ng mga magulang ng mga estudyante mo " anito na may madilim na anyo habang patuloy sa paglapit sa akin. "Sir Rosell, nagkakamali po kayo ng iniisip. Nagawa ko lamang ito dahil sa matinding pangangailangan. Pakiusap, kung pwede niyong itago ang tungkol sa bagay na ito." Pakiusap ko habang patuloy sa pag- atras. Hindi ko na magawang tumanggi pa at sa halip ay nakiusap rito. Dalawang hakbang na lamang Ang pagitan nito mula sa akin at mas lalong nanginginig Ang aking kalamnan dahil sa matinding takot at pag- aalala. Hindi ko kakayanin Ang humarap sa maraming tao, maging Ang aking pamilya ay Hindi alam Ang tungkol sa trabaho Kong ito. Sa pag- atras ko ay humantong Ako sa malambot na upuan at dahil sa marahas na pag- atras ay na- out of balance Ako at napaupo. Hindi ko na nagawa pang makatayo dahil nasa harapan ko na Ang lalaki. Pumatong ito sa akin at itinukod Ang kamay sa pasimano ng sofa upang mapaglayo ng bahagya Ang aming Mukha. "I can zip my mouth and keep your secret. Pero ano Ang magiging kapalit?" anito sa baritonong boses Napalunok Ako ng marahas ng maramdaman Ang pagtama ng mainit at mabango nitong hininga sa aking mukha. "K- kahit ano Ang ipagawa niyo, gagawin ko. Basta't ipangako mo sa akin na itatago mo Ang lihim ko " nilabanan ko Ang titig nito sa akin "Kakayanin mo ba Ang magiging kapalit?" Naghahamon nitong Sabi at hinaplos Ang aking baba "Kakayanin ko, Pero kung Pera Sabihin mo lang kung magkano at gagawan ko ng paraan Basta bibigyan mo ko ng panahon--" Hindi nito pinatapos Ang aking sasabihin at mahinang natawa "Kilala mo ko, Arya. We've been seeing each other for a month at alam mo na Hindi problema sa akin Ang Pera " inilapit nito Ang kanyang bibig sa aking Tenga habang Ang kanyang mga kamay ay nag- umpisang himasin Ang aking makinis na hita. Nagbigay iyon ng matinding sensasyon sa aking katawan na nagpataas sa aking mga balahibo. "K- kung ganoon, ano ang gusto mong maging kapalit." Kahit na nauutal ay pinatapang ko Ang aking boses. Tumigil ito sa paghimas ng aking Binti at matamang tumitig sa akin. . "Be my wife" Nabingi yata ako sa sinagot nito dahil sa labis na pagkabigla. Ako? Na Isang mananayaw at tagapagbigay aliw, magiging Asawa ng Isang Rosell Kreuz Arcantez?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Lick It Harder (SSPG)

read
38.6K
bc

Ang Pait Nang Kahapon

read
10.3K
bc

Pisilin Mo, Mr Wild (SSPG)

read
29.0K
bc

The Nympho Meets The Casanova ( Dela Cuadra Series 1 )

read
14.7K
bc

Wife For A Year

read
70.2K
bc

My Obsessed Professor (Dela Cuadra Series 3)

read
41.0K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
77.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook