Chapter I

1590 Words
“Huling sayaw mo na ba to, Arya?” tanong sa akin ni Madam na manager ng club na aking pinagttrabahuan. “Yes po madam, Thank you po sa lahat ng tulong na ibinigay niyo sa akin ha.” “Walang problema. sayang naman at mababawasan na naman ako ng alaga. Basta kung magkaproblema ka, huwag ka mahiyang humingi ng tulong sa akin ha. Welcome ka na muling bumalik dito.” nakangiting sabi ni Manager. Ako si Arya Corinne Medina. Labag man sa kalooban ko ang magtrabaho sa club bilang isang erotic dancer ay pikit mata kong pinasok. “Arya!” tawag sa akin ni Devin isa sa mga erotic dancer na kagaya ko “Last day mo na raw ngayon sabi ni Manager, Totoo ba?” tanong nito sa akin na may lungkot sa mga mata “Oo, alam mo naman ang tungkol sa sekreto ko diba.” kimi kong sagot dito “Oo nga pala. Congrats ha, buti ka pa, May maipagmamalaki na, teacher na frenny namin.” nakangiting sabi nito saka ako niyakap. “Tawagin ko si Yllah, magcelebrate tayo” yaya niya sa akin. Bago matapos ang gabi ay nagkaroon kami ng kaunting kasiyahan “Kamusta na family mo? Okay na ba?” tanong ni Devin “Hay naku, Yllah. Huwag mo na tanungin, kita mo ba mukha niyang yan? Ibig sabihin niyan ganun pa rin. Mga pabigat pa rin sa buhay niya” naiinis na sabi ni Yllah “Uy, hindi naman.” depensa ko “Anong hindi, Sugarol pa rin kuya Couran mo. Yung kapatid mong sumunod sa'yo ano nga pangalan nun? Carol, hindi ba naunahan ka pa magbuntis kahit na dise sais palang partida trabaho pa natin ang bumengbang ang ending ikaw rin nagpapalamon pati ang nambuntis sa kanya.” hirit na sermon ni Yllah “Jusko beh, kahit yata bumalik si Bagyong Ulysses hindi tatangayin bahay niyo. Andaming pabigat. Anlalakas gumastos hindi alam kung ano ang sinasakripisyo mo” palatak na segunda ni Devin “Wala akong magagawa, hindi naman maasahan si kuya. Hindi ko rin naman pwedeng iasa lahat kay Nanay, pambaon palang ng mga kapatid ko kulang na kulang na sinasahod ni Nanay sa pagtitindera sa palengke eh gastusin pa sa bahay.” daing ko sa mga ito. Totoo naman na nabibigatan na ako sa responsibilidad na nakaatang sa akin simula ng mamatay si Tatay. Ang dating mahirap na pamumuhay ay mas lalong naghirap. Mabuti na lamang ay nakakuha ako ng scholarship para maipagpatuloy ko ang aking pag- aaral at ngayon ay makakatapos na. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. “Basta, kung may kailangan ka huwag ka mahihiyang magsabi sa amin ha. Basta kaya namin handa kaming tumulong.” sabi ni Yllah. Halos magliliwanag na ng lumabas ako ng club at makauwi sa maliit na apartment na aking nirerentahan. Ilang araw pagkatapos ng graduation ay agad akong nag- apply sa iba’t ibang pribadong paaralan. Dahil sa aking magandang academic record ay maswerteng natanggap ako sa isang exclusive all boys school. Isa itong eskwelahan kung saan nag- aaral ang mga anak ng mga prominente at may kaya na kung tatawagin nga eh school para sa mga alta. “Good morning, Ms.Medina. I am the school administrator, and I would like to thank you for choosing our school and being part of our faculty.” nakangiting bati sa akin ng school admin. “Thank you rin po, Mr. Buenaventura.” nakangiti kong sagot dito. “By the way, ito pala ang schedule sheet ng grade at section na hahawakan mo, Ms. Medina.” iniabot nito sa akin ang papel na nakalagay sa folder. “Break a leg, Ms. Medina” “Thank you po Sir.” sagot ko bago umalis ng faculty at nagtungo sa room kung saan ako naassign. Namangha ako sa ganda ng classroom na aking napasukan kaiba ito sa school na pinasukan ko noong nag- aaral ako. Agad na tumahimik ang mga bata ng makita nila akong pumasok at nagsibalik sa kanilang mga upuan. Naglakad ako patungo sa harapan kung saan may isang table na para sadya para sa guro. “Good morning class, I am Ms. Arya Corienne Medina but you can call me Teacher Corinne. I will be your classroom adviser.” pakilala ko sa mga bata. Naging maayos at maganda ang unang mga araw ko bilang isang guro. Mababait at masunurin ang mga bata. Mabilis na lumipas ang mga buwan at halos anim na buwan na rin akong nagtuturo. Maganda naman ang sahuran sa school na ito pero kung tutuusin ay kulang pa rin iyon dahil sa laki ng aking gastusin para matustusan ang mga pangangailangan ng aking mga kapatid ganun pa man, mas pipiliin ko na lang magtrabaho dito bilang isang guro kesa bumalik bilang isang dancer. “Class, don't forget to bring your project tomorrow. Okay?” sabi ko sa mga estudyante ko ng marinig ko ang pagtunog ng school bell hudyat na tapos na ang aming klase. “Goodbye, Ms.Corienne. Goodbye Classmates, See you tomorrow” sabay sabay na sabi ng mga bata bago nagsilabasan ang mga ito. Habang nagliligpit ng aking mga gamit ay lumapit si Kiev. Isa ito sa aking mga estudyante na madalas kung napapansin na nakangiting nakatitig sa akin. Palagi rin itong nakasunod sa akin kahit tapos na ang klase. "Teacher Corinne, you look a lot like my mom." anito “Talaga? Siguro, maganda rin ang mommy mo.” nakangiti kong sabi rito “Of course.I always look at her picture sabi ni yaya magkamukha raw po kami.” buong pagmamalaking sabi ni Kiev “Bakit sa picture lang?Aren't you with your mom?” nagtataka kong tanong “My dad said my mommy is in heaven” malungkot na sabi ng bata. “I’m sorry. I hug ka na lang ni Teacher okay?” sabi ko rito ng makita ang lungkot sa mukha ng bata at niyakap ko ito. Sumaya naman kaagad ang bata ng yakapin ko ito. Ilang sandali pa ay dumating na ang bantay nito at saka sila nagpaalam. Habang nag- aayos ng aking mga gamit ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. “Hello, Nay? Napatawag po kayo?” tanong ko rito Kinuha ko isa- isa ang mga books ko na ginamit sa pagtuturo at palabas na ng classroom. “Corinne, baka may extra money ka diyan.” umiiyak na boses ng kanyang ina “Bakit po, nay? Anong nangyari?”napahinto ako sa aking paglalakad at itinuon ang aking atensyon sa kausap “Ang kuya Couran mo, nasa presinto. Naabutan ang kuya mo ng mga pulis sa pasugalan” napahagulgol na sabi ng kausap. Nasapo ko ang aking noo at mabilis na kinuha ang aking mga gamit at saka nagtungo sa presinto kung saan nakakulong si Kuya. Nadatnan ko si Nanay na nakaupo sa sahig habang kausap ang aking kuya. “Nay” hingal na tawag ko kay Nanay. Mahigit kalahating oras din ang ibinyahe ko mula sa trabaho patungo rito. “Miss, sino dadalawin mo?” tanong sa akin ng isang pulis “Nanay ko po yun oh, dadalawin ko po kuya ko.” sagot ko “Tutubusin mo na ba?” tanong nito sa akin. “Magkano po, sir?” tanong ko rito “Anong pangalan ng kuya mo?” tanong ng pulis sa information desk. “Couran Medina po sir,” “Base sa kaso niya na illegal gambling, ang bail ay 10,000 pwede pa siya makulong ng isang taon.” sabi ng Pulis habang binabasa ang papel nito. Kinuha ko ang aking wallet sa aking bag, May 12,000 pa akong naiipon na sana ay panggastos nina Nanay at ng mga nakababata ko pang kapatid. Hindi bale at malapit na rin naman ang sahod, kaya pa naman maghigpit ng sinturon. Iaabot ko na sana ang sampung libo ng muling magsalita ang pulis. “Kaya lang Miss bukod sa illegal gambling ay nakuhaan din siya ng ba ril. Nahaharap rin siya sa kasong illegal possession of firearms, pwede siyang makulong ng anim na taon at may multang 40,000” “P-Po? 40,000? Saan kami kukuha ng ganoon kalaking halaga?” napaupo ako sa panlulumo. Napatingin ako kay Kuya na ngayon ay nakaupo na rin sa sahig at hawak ang kamay ni Nanay. Lumapit ako rito. “Kuya naman! Alam mo naman na naghihirap na tayo. Hirap na hirap na nga ako sa pagttrabaho, tapos ganito pa” sumbat ko kay kuya na naiiyak na sa sobrang stress “Hindi akin yun, Corinne. Hinagis lang nila sa akin yun, nakita ng mga pulis sa ibabaw ng lamesa kung saan ako nakaupo pero Corinne sugarol ako oo pero hindi ako sinungaling.” sagot ni Kuya. Napahilamos ako sa aking mukha dahil hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. “Parang awa mo na Corinne, gawaan mo ng paraan para makalabas ako rito. Pangako, magbabagong buhay na ko.” pakiusap ni Kuya “Corinne, anak. Parang awa mo na, tulungan mo ang kuya mo na makalaya.” maging si Nanay ay nakikiusap na rin. “Hahanapan ko yan ng paraan, Nay pero siguraduhin niyo lang na hindi mapapako ang pangako ni Kuya na magbabagong buhay na siya, dahil kung hindi siya titigil ay kukunin ko sina Cedric,Chelsea at Chloe. Pababayaan ko kayong tatlo nina Carol at hinding hindi ko na kayo tutulungan” pagbabanta ko sa kanila. “Nangangako kami, Corinne” itinaas pa ni Kuya ang kanyang kanang kamay. Mabigat ang aking mga hakbang na nagtungo pauwi sa aking tinitirhan.. Mukhang babalikan ko na naman ang buhay na aking iniwanan…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD