Nagpunta ako sa Bahay at dahil weekly ang bayad sa akin sa pagttutor ay nagkapera ako tuwing weekend. Hindi man ganun Kalani sa sinasahod ko sa club ay okay na rin para sa akin dahil galing naman iyon sa aking pinagpagutan at masasabi Kong hindi nakakababa ng pagkatao. Alam ko na nagtataka na sila Kuya Couran na lagi akong naroon Pero nagdadahilan na lang ako na hindi na ako ulit makakapunta doon ulit kapag nagpasukan na. "Siguro masarap lagi ang ulam mo doon, ate" Sabi sa akin ni Cedric habang kumakain kami ng hapunan "Paano mo naman nasabi?" takang tanong ko rito. "Tumataba ka kasi ate tska kumikinis lalo ang balat mo. Mas lalo ka tuloy gumaganda" Sabi nito "Naks naman, lakas mambola. Pero sobrang taba ko na ba?" Tanong ko sa mga ito. Bahagya akong na- conscious sa sinabi ni Cedric

