ARYA’S POV Nagitla ako ng makilala kung sino ang daddy ni Kiev. Hindi ako mapakali sa loob ng opisina simula ng pumasok ito, parang gusto ko na tumayo at lumabas na lang pero kapag ginawa ko naman iyon ay mahahalata niya ako. Halos maihi ako sa kaba lalo na ng tumabi ito sa bakanteng silya na katabi ko. Nasa kabilang gilid ko naman si Kiev na ayaw bitawan ang laylayan ng aking damit kahit na hinawakan na ito ng kanyang ama. Parang may kuryenteng dumaloy nang magtama ang aming mga braso. Hindi ko maiwasang mapatingin sa gwapo nitong mukha. Kung pwede ko lang sabihin na namiss ko siya pero hindi maaari. Agad akong nagbawi ng tingin ng maglapat ang aming mga mata. Para akong nakahinga ng maluwag ng matapos ang pag- uusap, ang akala ko ay mawawalan na rin ako ng trabaho dahil sa pangeng

