Pagkalabas ko palang ng Cr ay agad itong lumapit at ako'y binuhat. Dahil maliit lang ang aming apartment ay halos NASA iisang lugar lamang ang pinto ng Cr at kusina. "Rosell, ano ba? " Napakapit ako ng buhatin Niya ako at ipaupo sa lababo. Hinawakan Niya ang aking batok at saka hinalikan. Gamit ang kanyang dila ay pilit niyang pinabuka ang aking bibig at hinanap ang aking dila. Napakapit ako sa kanyang Batok at sinabayan ang kanyang halik. "Ate, pahingi daw ulam Sabi ni Ate Nida" biglang bukas ng pinto at iniluwa noon si Cedric. Nanlaki ang mata nito at mabilis na tinakpan ang mga mata gamit ang kanyang kamay. Parang nagising ang kaluluwa ko at sabay kaming napatingin ni Rosell sa pinto habang nakakawit pa ang aking kamay sa leeg nito samantalang hindi ko namalayang nakapasok na pala

