ARYA’S POV Pagkatapos kong mabasa ang chat ni Sir Rosell ay nagtungo na ako sa Faculty Room kung saan naghihintay si Sir Owen. Ipinakita ko sa kanya ang aking lesson plan. “Uuwi ka na ba Ms. Corienne?” “Oo, walang kasama mga kapatid ko sa bahay eh.” habang naglalakad palabas ng school. “Sabay ka na sa akin, hatid na kita sa inyo.” anito habang nakasakay sa motor nito. Inabot nito sa akin ang isa pang helmet na dala nito. Akma ko na sanang kukunin iyon nang marinig ang pagring ng aking cellphone. “Sandali lang ah.” sabi ko kay Teacher Owen at kinuha ang aking Cellphone na nasa bag. Muling napakunot ang aking noo nang makitang number ni Sir Rosell ang tumatawag Ano na naman kaya ang problema nang lalaking to? “Hello po, ano pong kailangan nila.” sagot ko na nakatingin kay Owen. “D

