ARYA’S POV Natapos ang buong klase na malapad ang ngiti ni Kiev. Kita hanggang sa mga mata nito ang saya na sa wakas ay magkakaroon na rin ito ng isang matatawag na ina. “Teacher mommy Corienne, sasabay ka po ba sa akin, sa pag- uwi?” tanong ni Kiev ng uwian na “Sorry Kiev. May dadaanan pa kasi ako.” inihinto ko ang aking ginagawa bago ko ito kausapin. Sakto naman ang pagdating ng sundo ni Kiev. “Ma’am, sunduin ko na po si Kiev.” paalam ng bantay ni Kiev. “See you po Tomorrow, Teacher Mommy!” kumaway pa ito bago sa akin habang papaalis. Nang maiwan na akong mag-isa sa kwarto ay naglinis na ako ng classroom at nagtungo ng faculty room. “Cher, hindi ka ba susunduin ng sweetie mo?” umpisang pang- aasar na naman ng beki co- teacher ko. “Wala yun, kulit naman ni Cher. Dadaan pa ak

