ARYA'S POV Sinusulyapan lang ako ni Kaiser habang patuloy ito sa pagdrive samantalang ako ay tahimik na umiiyak. Ewan ko ba bakit hindi umaampat sa pagtulo ang luha ko, napapagod na ko umiyak. Ayaw Niya akong gambalain at hinayaan lang na ilabas ko ang lahat ng aking nararamdaman kaya nagdesisyon ito na dalhin ako sa coffee shop kung saan Niya ako Dinala noon. Bago bumaba ng kotse ay iniabot Niya sa akin ang kanyang panyo na walang ni Isang salitang lumabas sa labi nito. Nang bumaba ito ay saka Niya ako pinagbuksan ng pinto at nagpatianod na lang kung saan Niya ako dadalhin. Umakyat kami sa view deck na sakto ay may Isang pares lang ang naroroon at mukhang paalis na rin ang mga ito. "Wait for me here" paalam nito at saka bumabang muli. Blangko ang laman ng aking isip ngayon at tanging

