Kinagabihan matapos ang naging pagkikita namin ni Kiaser ayt dumaan na muna ako sa bahay upang magbihis sunod naman ay nagtungo na ako kaagad sa club. Hindi ko na rin inaasahang pupunta si Kaiser dahil nagpaalam ito kanina sa akin na may pupuntahan itong business trip. “Arya, hindi ka ba magsusuot ng maskara ngayon?” tanong sa akin ni Kat habang nag- aayos sa Dressing Room. “Hindi na, kaunti lang naman tao ngayon wala naman siguro magkakakilala sa akin.” sagot ko habang naglalagay ng make-up. Kampante ako ngayon dahil isang linggo na ang nakakalipas subalit ni anino ni Rosell ay hindi ko nakita kung kaya naging kampante ako na hindi na ito maliligaw dito. “Ayusin na lang natin yang make- up mo. Ako na” sabi nito at kinuha ang brush na hawak ko saka ako inayusan. Nilagyan niya rin ng bl

