Pasado alas tres ng madaling araw ng magpasyang umalis si Rosell.
“I have to go. Are you sure na kaya mo na mag- isa rito?’ tanong nito sa akin.
Halos maubos naming dalawa ang bote ng whisky pero parang walang nangyari dito samantalang ako ay umiikot ang paningin.
“Oo, okay lang ako. You can leave,kaya ko na sarili ko, mawawala rin to maya maya.” sabi ko rito na hindi tumatayo dahil dalawa na ang tingin ko sa kanya sa sobrang hilo at pakiramdam ko ay isusuka ko ang lahat ng nainom ko kapag gumalaw ako.
“If that’s what you want. Here, take this. Thank you for accompanying me tonight” sdumukot ito ng pera sa kanyang wallet at saka inabot sa akin ang ilang asul na perang papel bago ito tuluyang umalis.
Mag- aalas singko na ng umaga ng makauwi ako sa aking apartment, 7 am pa naman ang klase ko at may isang oras pa ako para magpahinga. Agad akong naligo saka humiga sa aking maliit na kama at ipinikit ang aking mga mata.
Lumipas lang ang kalahating oras ay nagtimpla ng kape para maibsan ang sakit ng aking ulo.
Masakit ang ulo na nagtungo ako sa eskwelahan kung saan ako nagtuturo. Suot ang aking salamin na walang grado at nakabun na buhok ay walang manghihinala sa kanyang pangalawang trabaho.
“Good Morning, Ms. Corienne” habol ni Teacher Owen na hindi ko napansin na kasabay ko pala kanina sa FX
“Good morning Teacher Owen.” ganting bati ko rito.
“May gagawin ka ba mamayang hapon yayayain sana kitang kumain sa labas?” Tanong nito sa akin
“Pasensya na, Cher. Masakit kasi ang ulo ko ngayon kaya baka maaga akong matulog mamaya.” sagot ko rito
“Ganoon ba, sige okay lang. Magpahinga ka, Ms. Corienne baka lumala yang sakit mo.” concern na sagot ni Teacher Owen.
Sa kalahating araw kong pagtuturo ay lagi akong dinadaanan ni Sir Owen para kamustahin. Binilihan niya rin ako ng aking meryienda.
“Cher Corienne, very caring ni Cher Owen. Nanliligaw na ba?” kantyaw ng isa naming co- teacher nang maggagayak na kami ng aming mga gamit para makauwi.
“Cher Owen! Pinapatanong ni Cher Corienne kung nanliligaw ka na daw” sabat ng isa pang teacher nag- umpisang umugong ang tilian at kantyawan sa loob ng faculty room.
“Manliligaw palang, inunahan niyo ko magsabi haha” sagot ni Cher Owen.
Hindi ako umimik dahil sa ngayon ay wala akong oras para makipagrelasyon. Sa dami ng problema ko ngayon na halos magpatong patong na ay ayaw ko na magdagdag pa ng isa pang pproblemahin.
Nauna na akong nagpaalam para umalis
“Ms. Corienne, sandali” habol ni Teacher Owen sa akin
Huminto ako sa paglalakad at tumingin rito
“Tungkol sa panliligaw ko sana sa’yo gusto ko sana marinig ang sagot mo” kiming tanong nito.
“Pasensya na Teacher Owen, sa ngayon wala akong balak na pumasok sa kahit anong relasyon. Priority ko ang pamilya ko lalo na at may mga maliliit pa akong mga kapatid na nakasandal sa akin. Sa iba mo na lang ibaling ang pagtingin mo.” hingi ko ng tawad at nagpara ng Fx Van at iniwan ito.
Dumiretso ako sa aking apartment at saka natulog.
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Chineck ko ang oras at pasado alas nuebe na pala ng gabi. Napabalikwas ako ng bangon saka sinagot ang tawag.
“Hello Arya, papasok ka ba ngayon o hindi? Pinapatanong ni Manager kasi may naghahanap sayo, kanina pang 8 nandito.” bungad na tawag sa akin ni Yllah
“Sino raw?” kunot noong tanong ko
“Hindi ko kilala kaya kung papasok ka bilisan mo na baka pagalitan ka ni Manager.” sabi nito
Mabalis akong naligo at nag- ayos ng aking gamit. Habang nasa taxi ay nag- apply na ako ng make- up. Papasok palang ako ng club ay nakasalubong ko na kaagad si Manager.
“Arya! Nakakahiya sa customer mo, dalawang oras mong pinaghintay buti na lang mabait si sir.” sermon kaagad sa akin nito
“Pasensya na madam, napagod kasi ako sa trabaho hapon lang ako nakatulog. Sino po ba yung naghahanap sa akin?” Tanong ko habang naglalakad papunta sa dressing room.
“Yung isa sa mga naging customer niyo kagabi, hindi ko alam kung ano ang pangalan. Inofferan ko na nga ng ibang babae pero ikaw ang hinahanap. Hala, bilisan mo na at ng mapuntahan mo na. Kanina pa yun naghihintay. Puntahan mo sa VIP room.” anito at nakapamewang na lumabas ng club upang puntahan ang katabing building kung saan naroroon ang mga male entertainer na hawak rin nito.
Gaya ng nakagawian ay G- string underwear na kulay puti ang isinuot ko. Nagretouch lang ako ng kaunti at saka isinuot ang satin Robe bago nagtungo sa VIP room. Pagpasok ng kwarto ay naabutan ko itong mag- isa at tahimik na umiinom.
“Pasensya na, hindi ko alam na pupunta ka ngayong gabi.” hingi ko ng paumanhin ng makalapit ako rito
“It’s fine. Come and join me.” anito at pinaupo ako sa tabi nito
“Sorry talaga ha, pagkatapos kasi ng oras ko rito may trabaho pa ako sa umaga kaya sobrang pagod ko kanina plus walang tulog hindi ko namalayan ang oras.” paliwanag ko rito.
“You have another job?” tanong nito na nakaarko ang kilay
“Oo but it is a decent job.”
“Then why are still working here kung may trabaho ka naman pala.”
“Kulang ang sinasahod ko sa una kong trabaho sa dami ng needs ng family ko tapos may nangyari pang emergency kaya yun, balik sa pagiging entertainer. “ napakagaan ng loob ko sa lalaking to kahit na kagabi ko lang siya nakilala.
Nang mga sumunod pang gabi ay pansin ko ang madalas nitong pagpunta sa club. Halos isang linggo rin na walang palya ang pagpunta niya rito. Sa mga gabi na magkasama kami ay puro kwentuhan lang ang aming ginagawa, napakagentleman nito taliwas sa itsura nito na mukhang seryoso at strikto dahil na rin siguro sa hindi ito palangiti kaya madalas na napagkakamalang masungit.
Sa pagdaan ng mga araw ay hindi ko namamalayan na unti- unti na akong nahuhulog rito. Gusto kong bumilis ang oras kapag nasa eskwela at gusto kong bumagal ang bawat minuto kapag kasama siya.
Naikwento na rin nito sa akin ang tungkol sa anak nito na napabayaan niya dahil sa pagkawala ng kanyang asawa at ngayon ay gusto niyang bumawi sa mga pagkukulang niya sa anak.
“Good evening, Sir Rosell” nakangiti kong tawag dito ng makapasok sa loob ng kwarto at gaya ng lagi nitong ginagawa ay umiinom ito.
Hindi ko na hinintay na alukin niya ako ng upuan dahil kusa na akong lumapit at naupo sa tabi nito.
“Can you tell me about your othe job.” tanong nito na hindi tinatanggal ang tingin nito sa akin.
“Sorry sir Rossell pero hindi ko pwede sabihin kung ano ang trabaho ko” sagot ko habang napayuko
Ano na lang ang sasabihin niya kapag nalaman na ang isang disiplinado, karespe- respetadong guro ay may part time job bilang isang entertainer/ erotic dancer/ pokers/ GRO/ pa walk at kung anu pa man ang iba pang tawag sa amin na magdalenang mababa ang lipad.
“It’s fine kung ayaw mong sabihin. I respect your decision. Kamusta ang Kuya mo?” pag- iiba nito ng tanong.
Dahil sa naging magaan ang loob ko sa kanya ay pati ang tungkol sa mga problema ko sa bahay ay nasabi ko na rin sa kanya.
“Okay na po Sir Rosell,nakalaya na po. Salamat po sa malaking tip na binibigay niyo, hiling ko na lang ay sana tuluyan na magbago si Kuya para naman gumaan gaan ng kaunti ang buhay namin.” sabi ko na nakangiti kay Sir Rosell.
Nakita ko ang marahas na paglunok nito at ang paggalaw ng kanyang adam’s apple. Gaya ng lagi nitong ginagawa ay nakatitig ito sa akin ng walang kakurap kurap. Nakatungkod ang kaliwang kamay nito sa kanyang binti habang nakasalumbaba.
“Bakit po Sir Rosell, May dumi po ba ako sa mukha?” tanong ko rito
Bigla akong naconscious sa itsura ko kaya nakagat ko ang aking pang- ibabang labi at yumuko.
“Da**, I can’t help it.” rinig kong usal nito bago niya ako itulak pahiga sa sofa na aking kinauupuan.